Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Puregold Got My Eyes on You Mikoy Morales Esteban Mara Hannah Lee Ady Cotoco Darwin Yu Victor Sy

Got My Eyes on You sa Puregold Channel: Kilalanin mga bagong karakter na mamahalin

TAMPOK muli ang pag-ibig sa pinakabagong vertical BL series ng Puregold, ang Got My Eyes on Youna mapapanood sa Tiktok simula Setyembre 3. Kasabay ng kapana-panabik na kuwentong enemies-to-lovers, itinatanong din ng serye: ipagpapalit mo ba ang pinapangarap na promosyon sa trabaho, para lamang sa pag-ibig?

Kilalanin ang mga tauhang nagnanais na maabot ang mga pangarap, at makararamdam ng kilig ng pag-ibig kung kailan hindi nila inaasahan.

Drew—Ginagampanan ni Mikoy Morales, ang masikap na operations manager ng villa, na inaasahang makapagpapatuloy ng pagpapatakbo ng mga bagay kahit gaano pa kahirap–katambal ng kape at mga gabing puyat na puyat. Isang taong tapat sa mga layunin, at sinisigurong maligaya ang lahat ng bisita sa villa.

Lumaki sa isang simpleng pamilya, natutong maging palaban sa buhay. Sa serye, kinakailangan niyang mamili—karera at personal na buhay, lalo’t pangarap niyang magkaroon ng sariling resort, at hakbang dito ang promosyon bilang general manager.

Shawn—Si Esteban Mara, ang nangagasiwa ng guest relations sa villa. Pulido at malinis ang estilo, at mayroong kalmadong presensiya. Mahiyain man sa umpisa, mapagmalasakit siya sa mga malapit sa kanya.

Isinilang sa marangyang pamilya, natutuhan niyang tumayo sa sariling paa sa murang edad. Ayaw niya sa small talk at mas gusto ang malalim na mga pag-uusap. Dahil sa kanyang pinaghalong kompiyansa sa sarili at sinseridad, swak na swak siyang karibal–o ‘di kaya, katambal–ni Drew.

MoiraHannah Lee, ang masiglang accountant ng villa, ang nagpapatawa at nagpapakalma sa lahat. Prangka at maingay, hihilahin ka niya para magkape o uminom kung magulo na ang buhay. Isang tapat at mapag-arugang kaibigan, laging nandiyan si Moira para sa mga may kailangan sa kanya.

Kirk—Mula sa isang mayamang pamilya, si Kirk Puyat (Ady Cotoco) ay isang fashionista na nahumaling kay Wilfred. Sweet man, ang walang tigil niyang pagpapakita ng pagkagusto ay maaaring pagkamalang love bombing. Dahil sa kanyang charm at enerhiya, magkakaroon ng mga komplikado at kakaibang eksena kasama ang natitipuhang si Wilfred.

Wilfred—Darwin Yu, ang events coordinator ng villa, isang romantiko na kagagaling lamang sa masakit na hiwalayan, kaya takot nang umibig muli. Maaasahan at confident man sa trabaho, hirap siyang maghilom at humakbang pasulong mula sa nakalipas.

Trevor—ang general manager ng villa, si Trevor (Victor Sy), na nagsisilbing tatay-tatayan ng grupo. Mapagmalasakit at patas na boss, madali siyang makakonekta sa grupo dahil nagsimula rin sa pinanggalingan ng lahat. Mahal niya ang kanyang pamilya at pangarap niyang magretiro sa probinsiya kasama ang asawa.

Dahil sa mga makatotohanang tauhan at kuwela at kakaibang atake sa kuwentong karera laban sa pag-ibig, kaabang-abang ang BL seryeng Got My Eyes on You. Panoorin sa @puregoldph Tiktok page

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …