Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joselito Altarejos Liz Alindogan Rene Magtibay Salud

18 minutong pelikula ni Altarejos kumurot sa puso ng mga kababaihan

HARD TALK
ni Pilar Mateo

EKSPERIMENTO. Oo.

May ninais na patunayan ang 18 minutong pelikulang ginawa ni Joselito Altarejos. Ang Huwag Mo Akong Salingin (Touch Me Not).

Pamilyar? Noli Me Tangere..

Nabubuo naman ang istorya o proyekto sa mga usapan. Sa pagsasama-sama ng naghahalo-halong ikot ng kaisipan.

Si Liz Alindogan ang napagitna para magkita ang mga utak nila. Pelikula. Paano ba?

Ang may hilig na mapalaganap ang sining sa pamamagitan ng pinilakang-tabing, isang babae.

At nabuo ang pelikula na nagpapakilala sa kanya.

Kay Lynn Bautista

Kwento ng mga kababaihan sa Noli, Si Maria Clara. Si Salome. Si Sisa.

Umalagwa ang kaisipan. Dahill natahi sa kabuuan ang paglalagay ng mga likhang kasuotan ni Rene Magtibay Salud. Na tinernuhan ng mga alahas na nagsilbing palamuti mula sa  disenyo ni Milahros Berboso Imson.

Ipinamalas sa mga piling panauhin na itinaon sa kaarawan ng bida sa sinehan sa VS Hotel. Na lahat ng nagsidalo ay isinuot ang kanilang baro’t terno. Mga kilala at may sinasabi sa lipunan.

Masaya ang may kaarawan. 

Naaeok nila ng direktor ang gusto nilang makita at mramdaman ng mga manonood na ninanais nilang mapanood sa mga iba’t ibang sinehan sa palibot ng mundo bukod dito. 

Simula pa lang daw ito ng pagpapalaganap ng musa ni direk Jay na si Lynn sa pag-alagwa sa mas marami pang proyekto sa mga  darating na buwan.

Kasama sa cast sina Germaine Gale Salazar, Jai Galang, Victor Sy, Mateo Manabat, at Adam Agustin.

Binigyang tinig ng katauhan ni Lynn ang mga kababaihan ng nagdaang panahon na nagmahal, minahal, nasaktan, lumaban.

Labingwalong minuto na kumurot sa puso ng mga sumaksi sa pelikula sa ibinulalas ng mga kinatagpong kababaihan sa kasalukuyang panahon- si Lynn. 

Kakaibang eksperimento. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …