Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Paolo Gumabao Spring In Prague Sara Sandeya 

Paolo masaya sa mga papuri sa pag-arte

RATED R
ni Rommel Gonzales

BIDA sa drama/romance film na Spring In Prague sina Paolo Gumabao at Czech actress na si Sara Sandeva.

Sa Prague, na pinakamalaking city at capital ng Czech Republic nag-shoot si direk Lester Dimarananat cast niya ng pelikula.

Rito usually sa Pilipinas kapag may pelikula, may romantic scene, mayroong tuksuhan, ligawan na nangyayari, natanong si Paolo kung sa kanila ba ni Sara ay walang ligawan o walang tuksuhang nangyari?

Wala po, wala po,” bulalas ni Paolo. “We just became really good friends. Kami, ‘yung buong group namin, parang, ano siya eh… yes, romantic ‘yung film, because it’s a story between… ang isang pagmamahalan ng isang lalaki at babae, pero on set, as actors, kami roon, we were experiencing it as a whole.

“So it wasn’t just me and Sara. It was the whole cast, everyone, naging pamilya kami roon. Siguro buong cast, buong production, buong crew, may spark. Ayun po.”

Maraming nagsasabi na mahusay si Paolo sa pelikula.

Siyempre masaya, pero…ayun masaya lang ako, pero siyempre ano lang ‘yan, pasok sa tenga tapos labas lang sa kabila.

“Kasi lahat ng pelikulang ginagawa natin bilang artista pahirap nang pahirap ‘yan, hindi dumadali ‘yung trabaho. So kahit sabihan ka na, ‘Ang galing mo’, labas lang.

“Pero thank you.”

Ipalalabas ang pelikula bago matapos ang taong 2025.

Bago ito ay umani rin ng papuri si Paolo sa sexy musical play na Walong Libong Piso.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …