WINNER ang back to back show ng InnerVoices at Side A Band na ginanap noong August 28 sa Hard Rock Cafe Manila.
Punompuno ang loob ng Hard Rock Cafe sa dami ng tao na nag-abang sa dalawang grupo.
Pinasayaw ng InnerVoices ang mga tao habang kumakanta sa mga hit 80’s songs. Inawit din nila ang ilan sa kanilang original songs, ang Idlip, Sa Ilalim ng Buwan, at Saksi ang mga Tala.
Kilig naman ang hatid ng Side A Band sa kanilang mga original hit songs na kinanta, tulad ng Ang Aking Awitin, Hold On, Forevermore, Sana Naman atbp..
Hinangaan din ang InnerVoices nang mag-perform sa katatapos na 37th PMPC Star Awards for Television na ginanap sa VS Hotel and Convention Center QC na hatid ng Bingo Plus last Aug. 24, na kinanta nila ang Saksi ang Mga Tala.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com