Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ashdres Ashtine Olviga Andres Muhlach

Andres gusto ang mata at ngiti ni Ashtine; Sa ugali wala siyang kaarte-arte

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

MAALALAHANIN. Ito ang ibinigay na dahilan ni Ashtine Olviga kaya nasabi niyang boyfriend material si Andres Muhlach.

Sa mediacon ng Minamahal:100 Bulaklak Para Kay Luna kahapon na isinagawa sa Le Reve, natanong ang dalawang bida sa Minamahal kung anong physical traits na nakita nila at personality para masabing ‘uy boyfriend/girlfriend material.’ 

Na sinagot naman ni Ashtine ng, “Siguro po iyong thoughtfulness niya. Parang ang laking bagay niyong hindi mo na kailangang sabihin bago pa niya ibigay.

“Hindi mo na kailangang sabihin, ibinibigay na niya. 

“Sa physical naman, parang lahat naman,” na ikinatili ng sandamakmak na fans na dumalo sa mediacon.

“Bukod sa physical niya nakakagwapo naman po talaga iyong puso niya, iyon naman po talaga,” giit pa ni Ashtine.

Ako the same rin,” susog naman ni Andres. “Iyong attitude ni Ash, iyong ugali niya na nakikita ko kasi we’ve been already working together how many months already.

“And ang physical traits that I love Ashley talaga is her eyes and her smile kasi when we’re laughing minsan talagang minsan tumitingin ako sa mata niya like… Personality wise sa ugali niya wala siyang kaarte-arte ng kahit ano. 

“Usually, I’ve met people in my life na medyo mareklamo about the small things, but with Ashley kahit ano or whatever you put in front of her she doesn’t complain talaga and she just does her job and does it with the best whatever what she got and that’s what I also really appreciate about her. 

“Minsan nahihirapan ako sa mga eksena hindi siya nagagalit sa akin she doesn’t stress me out, she always saying na, ‘kaya natin ito, kaya natin.’ Yun ang favorite traits ko sa kanya,” wika ng binata nina Aga at Charlene Muhlach.

Handang-handa na ngang magpakilig sina Andres at Ashtine  sa Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna na idinirehe at isinulat ni Jason Paul Laxamana at mapapanood na sa September 24, 2025.

Mula sa hit series na Ang Mutya ng Section E mula sa Viva One, matutunghayan na sa kanilang kauna-unahang pelikula ang dalawa.

Mula sa kanilang breakout roles bilang Keifer at Jay-jaymabilis na pumatok ang kanilang pagpapakilig sa fans. Umabot sa mahigit 20 million views ang series trailer at nanganak ng samo’tsaring parodies and reaction videos, hudyat ng simula ng isang kilig phenomenon

Ang unang 2 episodes nito ay nakapagtala ng mahigit 3 million views, hanggang sa nagtumoy-

-tuloy ang pagsikat ng palabas. Mula sa isang simpleng classroom romance, naging ganap itong cultural moment—trending ang #JayFer sa iba’t ibang social media platforms, na lalong nagpatibay sa kanila bilang pinakabagong kilig pairing ng bansa.

Lumawak pa ang kasikatan ng serye sa buong mundo—mula Asia, Middle East, America, Europe, at Oceania. Bumuhos ang online edits at memes mula sa viewers sa Pilipinas at abroad. Noong Mayo, inanunsyo ang Season 2 ng Mutya sa isang fan meet na labis na ikinatuwa ng fans—patunay ng patuloy na pag-angat ng tambalan. 

Dala ang matinding kilig at suporta ng kanilang fans, handa nang sumabak sina Andres at Ashtine sa big screen. Mula kina Keifer at Jay-jay, ngayon ay malapit na silang makilala bilang Luna at Raffy sa Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna.

Tampok sa pelikula ang kwento ni Raffy, isang tahimik at mahiyaing high school student na may hilig sa mga bulaklak. Susubukan niyang mapasaya at mapalapit sa visual artist na si Luna, isang babaeng hindi naniniwala sa pag-ibig. Bulaklak ang magiging paraan ni Raffy para suyuin si Luna, na ibinibigay niya sa mahahalagang sandali ng buhay ng dalaga. Habang lumilipas ang mga taon, unti-unting mamumulaklak ang isang malalim na koneksiyon nila—isang relasyon na masusubok pagdating nila sa kolehiyo, na kailangan nilang harapin ang mga hamon ng totoong buhay. 

Sa unang teaser ng pelikula na inilabas noong July 4, makikita sa 50-second clip na si Andres bilang Raffy na pumipitas ng bulaklak hanggang sa tila napatigil ang mundo nito nang makita si Luna (Ashtine). Agad na umani ng matinding suporta at kilig mula sa fans ang teaser, na nakapagtala ng 12 million views sa loob lamang ng 24 oras. Matapos nito ay inilabas ang official movie poster na makikitang magkatinginan sina Andres at Ashtine—isang simpleng larawan na lalong ikina-excite ng kanilang mga tagahanga. Ngayon pa lang, ramdam na ang mainit na suporta para sa unang pelikula ng dalawa.

Bago pa man sila magpakilig sa big screen, muling pinatunayan nina Andres at Ashtine ang kanilang magic sa stage sa VIVA ONE: VIVARKADA, ang matagumpay na fancon na ginanap noong August 15 sa Smart Araneta Coliseum tampok ang fast-rising young stars ng Viva. Ikinatuwa ng mga manonood ang kanilang kilig performances at sweet messages para sa isa’t isa. Para kina Andres at Ashtine, isa itong paraan para pasalamatan ang kanilang mga tagasuporta.

Mas magiging espesyal pa ang big-screen debut ng tambalan sa tulong ng ensemble cast na kinabibilangan nina Joko Diaz, Giselle Sanchez, Gene Padilla, Marnie Lapus, MJ Cayabyab, VJ Mendoza, Phoebe Walker, Bob Jbeili, Lance Carr, Sam Shoaf, Yuki Sakamoto, Phoebe Villamor, at Jastine Lim.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …