Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Beverly Benny Carlo Alvarez Work From Home

Direk Carlo Alvarez ng pelikulang ‘Work From Home’, resident-director na rin sa NDM Studios

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KILALANG premyado at award-winning film director si Direk Carlo Alvarez ng mga pelikulang katulad ng ‘Kapalit’, ‘Manyak’, ‘Tres’, at ‘Parisukat’.

Ang ilan sa kanyang mga naidirehe ay nanalo pa sa mga international film festivals sa iba’t ibang dako ng mundo.

Sa kanyang bagong pelikulang pinamagatang ‘Work from Home’ (starring Beverly Benny, Zuher Bautista) sa ilalim ng NDM Studios production, isa na rin siyang resident-director ng kilalang independent film company.

Humakot ng parangal si Direk Carlo sa iba’t ibang film festivals sa abroad at sa bago niyang pelikula ay binigyan niya ng pagkakataon ang mga baguhan na umarte at makilala.

Pinondohan ni Direk Nijel de Mesa ang proyekto nito na Work from Home na tungkol sa isang babaeng may “agoraphobia”, isang karamdaman na takot ang isang tao na lumabas kasama ng madla o pumunta sa matataong lugar. (gagampanan ito ni Beverly Benny).

Makatatanggap ang babae ng tablet na may “virtual masked man” (na gagampanan ni Zuher Bautista) at magkakaroon sila ng isang kakaibang relasyon.

May iba’t iba pang nilulutong proyekto sina Direk Carlo kasama ang buong team ng NDM Studios. Hindi palasak at pang masa ang atake ng mga orihinal na kuwento nina Direk Nijel at Direk Carlo.

Tiyak na aabangan natin ang mga kakaibang kuwentong ihahandog ng NDM Originals sa mga susunod na buwan at sa 2026.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …