ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
NEWBIE sa mundo ng showbiz ang nine year old na si Cara. Unang project niya ang advocacy movie na ‘Aking Mga Anak’ na mula sa pamamahala ni Direk Jun Miguel at hatid ng DreamGo Productions at Viva Films.
Si Cara ay Grade-4 student sa Infant Jesus Montessori Center.
Ano ang role niya sa movie?
Tugon ni Cara, “Supporting role po ako rito, isa po sa mga anak ni Tita Cecille (Bravo) sa movie.
“Bale, binigyan po ako ng opportunity dito nina Direk Jun and Ms. A (Andrea Go) na makasali sa movie. Kaya sobrang salamat po sa kanila.”
Nag-acting workshop ba siya?
Esplika ni Cara, “Iyong workshop ko po is more on hosting, but looking forward po na makapag-acting workshop din ako to develop my acting skills din po.”
Mayroon na ba siyang naging TV project?
“Yes po, isa po ako sa main casts ng Talents Academy sa IBC TV13. Mayroon din po ako before na for Holy Week special, ito pong ‘Ang Mga Munting Misyon,’ bale last year po iyon.”
Inusisa rin namin kung sino ang idol niyang artista?
“Si Vice Ganda po, kasi nakakatuwa po siya at magaling po siya,” matipid na sagot ng bagets.
Sa mga aktres na wish naman niyang sundan ang yapak, ito ang sinabi ni Cara, “Si Anne Curtis po, kasi ang galing niyang mag-acting, parang totoo po.”
Goodluck sa showbiz career mo Cara.
Anyway, tampok sa pelikulang Aking Mga Anak sina Hiro Magalona, Ms. Cecille Bravo, Ralph Dela Paz, Klinton Start, Patani Dano, Natasha Ledesma, Sarah Javier, Art Halili Jr., at iba pa.
Ang mga bidang bata naman dito ay sina Jace Fierre Salada, Madisen Go, Candice Ayesha, Juharra Zhianne Asayo, at Alejandra Cortez.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com