Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Roderick Paulate Mudrasta Ang Beking Ina

‘Mudrasta’ at ‘Post House’ nangunguna sa mga bagong pelikula ngayong linggo

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

TAMPOK ngayong linggo ang dalawang pelikulang Filipino, ang “Mudrasta: Ang Beking Ina” at “Post House,” sa mga inaprobahan at binigyan ng angkop na klasipikasyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ang comedy-drama na Mudrasta: Ang Beking Ina na pinagbibidahan ng batikang aktor na si Roderick Paulate at iprinodyus ng CreaZion Studios ay rated R-13, angkop para sa mga edad 13 pataas.

Hatid ng pelikula ang isang nakaaantig na kuwento ng pamilya at pagmamahal na hinaluan ng komedya at drama, na tiyak na maghahatid ng ngiti at aral sa buhay.

Ang “Post House,” isang supernatural film na pinagbibidahan nina Bea Binene at Sid Lucero ay rated R-16 dahil sa sensitibong tema, at bagay sa mga edad 16 pataas. Tungkol ito sa isang film editor at sa kanyang anak na babae na hindi sinasadyang nakapagpalaya ng halimaw habang nire-restore ang isang hindi natapos na silent horror movie.

Ilang international films din ang nakatanggap ng angkop na klasipikasyon mula sa Board.

Ang South Korean comedy horror na “My Daughter Is a Zombie,” mula sa mga lumikha ng “Train to Busan,” ay rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang), para sa mga edad 13 pababa basta’t may kasamang magulang o nakatatanda.

Dalawa pang pelikula ang rated R-13: ang Japanese animated movie na “Demon Slayer: Kimetsu no Yaiba – The Movie: Infinity Castle,” at ang American fantasy- drama na “The Life of Chuck.”

Ang American crime-thriller na “She Rides Shotgun,” na hango sa nobela noong 2017 na may parehong pamagat, ay rated R-16.

Binigyang-diin ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto na ang bawat pelikula ay dumaan sa masusing rebyu ng Board para matiyak na mayroon itong angkop na klasipikasyon.

“Ating ipinagmamalaki ang mga tampok na pelikulang Filipino na hindi lang nagbibigay-aliw kundi nagbibigay-inspirasyon din,” sabi ni Sotto.

“Sa pamamagitan ng aming age-appropriate ratings, ginagabayan namin ang pamilyang Filipino sa tamang pagpili ng kanilang panonoorin habang itinataas ang antas ng pagkamalikhain ng ating mga lokal na filmmaker.”

Muling pinagtibay ni Sotto ang layunin ng Ahensiya na protektahan ang mga manonood, lalo ang mga batang Filipino, habang sinusuportahan ang patuloy na paglago ng pelikulang Filipino.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …