I-FLEX
ni Jun Nardo
NABUWISIT ang dalawang senior actor sa isang junior actor na madalas napapanood sa sexy films.
Ang pagiging late sa set ng series na ginagawa ang dahilan daw ng bwisit ng dalawang senior actor na magaling umarte.
Eh hindi lang kasi isa o dalawang beses nali-late dumating sa taping ang junior actor.
Kumbaga, nakaiirita na dahil hindi naman siya ang bida sa series na ginagawa, huh!
Kaya namumuro na ang junior actor dahil kapag hindi niya dinisiplina ang sarili, malamang na masibak na siya sa series.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com