Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
George Erwin Garcia Comelec

Comelec Chairman nasalisihan sa Pasay
Bebot na miyembro ng Salisi Gang arestado sa Las Piñas

ARESTADO ang isang babae na kabilang sa anim kataong miyembro ng Salisi Gang na nambiktima kay Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia habang nasa isang restoran sa Pasay City, noong Martes ng hapon.

Ayon kay Garcia, naganap ang insidente dakong 1:00 ng hapon, 19 Agosto, sa isang restoran sa Buendia Avenue, sakop ng Pasay.

Dinampot ang isa sa anim na miyembro ng grupo na kinilala bilang alyas Hazel, 44, sa Zapote, Las Piñas City, sa isinagawang backtracking at isinagawang follow-up operation dakong 2:00 ng hapon kahapon ng District Special Ope­rations Unit (DSOU) ng Southern Police District, kasama ang District Intelligence Division (DID) at Pasay City Police Station.

Ubos na ang cash sa narekober na bag, habang ang cellphone at mga ID ay nanatiling intact.

Nabatid sa rekord ng pulisya, 19 Agosto, Martes nang matangayan ng bag si Garcia dakong 12:50 ng hapon habang naghihintay ng inorder na pagkain sa isang restoran sa Roxas Boulevard Service Road, sa bisinidad ng Pasay City.

Katatapos dumalo noon ni Garcia sa pagdinig sa Senate hearing ng Anti-Dynasty bill.

Aniya, dapat maging alerto sa lahat ng pagkakataon dahil ang mga kawatan ay walang pinipiling lugar at oras.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …