ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
KAABANG-ABANG ang mga kaganapan sa career ng recording artist na si Zela.
Look-alike ni Sandara Park si Zela, pero aniya’y mas maganda raw ang 2NE1 singer. Talented si Zela, bukod kasi sa pagiging singer ay composer din siya. Actually, anim sa nilalaman ng album niya ay sariling komposisyon ng dalaga.
Potential hit ang album ng P-pop singer na pinagamatang “Lockhart”, may hatak kasi ito sa mga GenZ at very catchy ang mga kanta rito. Ito ay may 10 tracks, namely, “A.C.E. (Activate Confidence to Empower)”, “Arangkada”, “01/01”, “Z.L.”, “G.O.A.T”, “Paraiso”, “Chaos”, “Bababa”,” “Hanap Ka Na Lang Ng Iba”, at “Leave Me”.
Women empowerment ang inspirasyon niya sa kanyang mga kanta para sa Lockhart. Inamin din ni Zela na noong kanyang younger days ay nakaranas siya ng pambu-bully.
Ipinahayag pa ni Zela na hands-on siya sa kanyang album. “Very hands-on po, lahat ng ginawa namin dumaan sa…and usually po, mas gusto ko na ako ang gumagawa. With the help naman po of our team, mas marami akong input dito ngayon, kasi nga ay album siya and ginawa lang po namin siya for a month or two, and not everyone can do that.”
Si Zela ay isang Filipino-American singer, songwriter, rapper and dancer na nagsimula sa US.
Bata pa lang ay nagsusulat na siya ng kanta. Noong September 2023 nag-debut si Zela ng single niyang “Karma” at nakatanggap ng award as the Philippine Pop Top New Artist Of The Year pagkalipas nang ilang buwan.
Sa naturang launching ay nabanggit ni RS Francisco — isa sa mga bosses ng AQ Prime, na may Korean investors na planong i-market globally ang career ni Zela. Kaya good news at kaabang-abang talaga ang balitang ito.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com