Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cecille Bravo Rosa Rosall Legacy Award

Philanthropist/Businesswoman Cecille Bravo emosyonal sa Rosa Rosal Legacy Award 2025

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI napigilang maluha ng Vice President Admin and Finance ng Intele Builders and Development Corporation at Beauty Queen na si Cecille Tria Bravo nang tanggapin ang Rosa Rosall Legacy Award 2025 noong August 16 sa Music Museum, Greenhills San Juan City.

Ang mismong anak ni Rosa Rosal na si Toni Rose Gayda ang nag-abot ng tropeo kay Ms Cecille kasama si Richard Hinola.

 Ayon kay Ms Cecille nagulat siya sa iginawad na pagkilala kaya naman ganoon na lamang ang kanyang kasiyahan at taos-puso siyang nagpapasalamat kina Toni Rose at Richard.

“Actually, when I was told noong mag-give ng kaunting message, I really don’t know what to say. But first of all, thank you very much ma’am (Toni Rose), dahil kung hindi po sa mama niyo na inirerespeto ng lahat at pinamamarisan, at idol ko rin naman talaga…

“Siyempre po ‘yung maka-receive ng award na nakalagay po ‘yung pangalang Ma’am Rosa Rosal, iba pong level para sa akin ‘yun. Tapos nandyan pa po kayo (Toni Rose) para ibigay sa akin ‘yung award, maraming, maraming salamat po.

“And of course thank you sir Richard, minsan tinatawag ko na lang na Richard dahil naging magkaibigan na kami, maraming, maraming salamat.

“Kasi as always na sinasabi ko nga, ang mga award nagiging impluwensiya sa atin. It gives us inspiration. Na ito pala tama ‘yung sinabi kanina ng unang speaker natin (Joee Guilas).

“Na mula sa isang award, nasundan pa ng isa kaya lagi po tayong natsa-challenge at sa maliit na bagay na ginagawa po natin, ‘wag po tayong mahihiya. Dahil lagi kong  sinasabi na dream big, start small. Puwede po tayo magplano ng malakihan pero ‘wag po nating biglain. Sa malilit na bagay po na ginagawa natin malaki na pong impluwensiya ‘yun.

“Kalabitin mo ‘yung isa tumulong lumalawak po. Katulad po ‘yung pagpapasalamat ko kay Mr Richard Hinola, kasi may mga lugar na hindi ko mapuntahan kahit po ng kompanya namin. At dahil nandiyan po siya natsa-channel po namin ‘yung mga gusto po naming lugar na ma-reach.

“So, ganoon din po sana ang pakiusap at challenge ko po sa inyo. Mag-start lang po kayo sa maliit na bagay, maliit na amount na tulong, maaring in kind or cash. Pero alam n’yo po ba ang balik nito sa atin, walang katumbas po.

“Kasi I do this, my husband and I, my family and company, dahil nakita po namin totoo lang na ginagawa ito ng iba, so ‘di ba napakaganda po na inumpisahan ng iba, ipagpatuloy naman po  natin.

“’Yung kindness goes along way. Maraming-maraming salamat po, and God Lord thank you very much for all the blessings,” bahagi ng speech ni Ms Cecille. 

Bukod sa award ay excited at masaya rin ang negosyante sa nalalapit na pagpalalabas sa mga sinehan nationwide ng pelikulang Ang Aking Mga Anak na mahalaga ang role na kanyang ginagampanan. 

Ang pelikula ay ipalalabas sa Sept. 3 hatid ng DreamGo Production ni JS Jimenez at ng Viva Films, sa direksiyon ni Jun Miguel

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …