MATABIL
ni John Fontanilla
MAGIGING Kapamilya na ang 1st placer sa PBB Collab edition na si Will Ashley dahil pumirma na ito ng kontrata sa Star Pop.
Kaya naman hindi lang pag-arte, kung hindi recording artist na rin si Will ng Star Pop, isa sa record label ng ABS-CBN.
Pero mananatili pa ring Kapuso si Will dahil ang pagiging Star Pop artist nito ay parte pa rin ng collab ng ABS-CBN at GMA 7.
Ngayon pa nga lang ay waiting na ang fans ni Will sa mga song nito na ilalabas ng Star Pop ngayong taon.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com