Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mia Aquino

Mia Aquino, okay lang pagpantasyahan ng mga barako 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG sexy actress na si Mia Aquino ay nakagawa ng projects sa AQ Prime, Vivamax, at ngayon ay sa CinePop. Bukod sa pagiging aktres, si Mia ay isang commercial model at theater actor din.

Matatandaang isa siya sa tampok sa pelikulang ‘La Traidora’ ni Direk Alejandro ‘Bong’ Ramos, na gumanap ng daring at challenging na role si Mia.

Ayon kay Mia, nanalo siya ng Best Actress sa Emirates Film Festival 2025 sa Dubai. “Nanalo po kami ni Enzo Pineda, pero sa ibang short film po siya nanalo kasama ako sa, ‘As The Call, So the Echo.’ I won Best Actress last January 18, 2025 sa ‘Isa Sa Isang Daan’, short film ito directed by Leia Reyna Pasumbal.

“I won three Best Actress na po sa international film festival sa short film na iyan,” aniya pa.

Nabanggit din ni Mia ang mga nagawa niyang project sa CinePop. “Bale sa CinePop, nagawa ko rito iyong ‘Biyenan’, ‘Banana Mayo’, ‘Step F–king Mom’ at ‘Home Service’ to be released, with Candy Veloso.”

Mahirap bang maging sexy actress? “Hindi naman mahirap, kasi passion ko yung pagiging actress at be professional sa work.

“Hindi naman po mahirap makipag-love scene kahit maraming tao, kasi sanayan lang naman iyan… lahat kami ay professional sa work, wala po kaming bastusan.” 

Ano ang wish niyang mangyari sa kanyang acting career? “Maging successful actress someday, na makilala tulad ng magagaling na actors.” 

Ano ang reaction niya kung malalamang pinagpapantasyahan siya ng mga barako dahil sa pagiging sexy actress niya?

“Okay lang naman sa akin kung humahanga sila, overwhelmed at thankful ako, dahil ibig sabihin nare-recognized nila ako,” masayang sambit pa ni Mia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …