MATABIL
ni John Fontanilla
NAPAKAGANDA ng bagong awitin ng grupong InnerVoices, ang I Will Wait for you in the Rain na isa sa kinanta nila sa kanilang jampacked gig sa Aromata Bar, Sct. Lazcano, Tomas Morato, QC. last Aug 15 na naimbitahan kami ng kanilang leader na si Atty. Rey Bergado.
Ang Innervoives ay binubuo nina Patrick Marcelino, Joseph Cruz , Joseph Esparrago, Alvin Hebron, at Rene Tecson.
Nag-enjoy nang husto ang lahat sa kanilang 80s, 90s, at OPMs songs na nagpakanta at nagpasayaw sa mga taong naroroon.
Ang mga orihinal na awitin ng InnerVoices ay puwede nang i-download sa lahat ng streaming app. Katulad ng Meant To Be na usinulat ni Atty. Rey at ang nakaiindak na awiting Galaw Galawna hit sa Tiktok at sinasayaw ng marami, Idlip, T. H. A. L. (Tubig, Hangin, Apoy, Lupa), Saksi Ang Mga Tala, Handa Na Kitang Mahalin, at ang Sayaw Sa Ilalim Ng Buwan.
At sa August. 24 ay isa ang InnerVoives sa magpe-perform sa PMPC 37th Star Awards for TV along with Jed Madel, Jessa Zaragoza, Dingdong Avanzado, at Christian Bautista na gaganapin sa VS Hotel sa QC.
At para sa iba pang schedules ng mga gig ng InnerVoices, bisitahin lang ang kanilang FB Page.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com