MATABIL
ni John Fontanilla
PATULOY ang pamimigay ng papremyo ng Lord Of Scents Joel Cruz, CEO & President ng Aficionado Germany Perfume sa pagdiriwang ng Ika- 25 taon nila, ang Bangong Milyones Dance Contest
Mag-uuwi ng P250k ang magwawaging grupo
habang 25k naman ang papremyo sa monthly winners.
Madali lang sumali, magbuo ng dalawa hangang limang miyembro kada grupo, edad 18 pataas o kung below 18 ay kailangan ng parental or guardian consent.
All genders, amateurs or professionals ay welcome, kailangan lamang sayawin ang Aficionado Bangong Milyone Jingle, sa kahit anong genre ng sayaw.
Gaganapin ang Grand Finals sa SM North EDSA Skydome, Quezon City.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com