MATABIL
ni John Fontanilla
QUEEN material ang dating ng ex-PBB Collab 4th placer na si AZ Martinez, pero sa ngayon ay wala pa sa isip at planong sumali sa kahit na anong beauty pageants.
Ayon kay AZ sa ginanap na launching bilang endorser at bagong dagdag sa pamilya ng SCD (Skin Care Depot) na pag-aari ni Ms Gracee Angeles (CEO & EEVOR), “As of now wala pa po talaga ‘yun sa plans ko kasi sobrang focus talaga ako sa path ko, sa career ko sa acting.
” Kasi ito po ‘yung pangarap ko, ito po ‘yung talagang kinukulit ko dati po. Like akala ko pangarap lang na ‘di mangyayari, pero ayon nangyari, so I really wanna enjoy it and I wanna make the most of it.”
Dagdag pa nito, “Pero who knows, hindi naman close ‘yung doors ko para sa pageantry, maybe aftet few years if there is an opportunity or if mag-iba ‘yung plans ko.”
“Pero right now I wanna stay in this career (acting) po.”
Pero if ever kaya anong crown ang gusto at bakit?
“Of course Miss Universe po o Binibini rin (Bb. Pilipinas. Iba po kasi talaga ‘yung Binibini and Miss Universe. I wanna try both, kasi before when I was in pageantry pa ‘yung kontesera pa ako I always want to join Binibini and then Miss Universe.”
Sino sa mga beauty queen ang ina-idolise mo?
“Of course si Pia (Wurtzbach) and si Catriona (Gray) kasi grabe iba talaga ‘yung dating nila, iba talaga ‘yung impact na dala nila.
“I remember watching si Ms Catriona noong nag- Miss Universe siya, sobrang hanga ako how she answered, how she put so much feeling sa sagot niya, actually coming from the heart talaga.
“That was I really want to see in a beauty queen na ‘yung mga sinasabi galing talaga sa puso at sa mga belief nila,” sabi pa ni AZ.
Nakatakdang libutin ni AZ ang buong Pilipinas maging ang ilang lugar sa labas ng bansa sa kung saan mayroong SCD branches para mag-promote.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com