I-FLEX
ni Jun Nardo
NAHALUAN ng pagnanakaw ang kasiyahang dala ng katatapos na Vivarkada sa Araneta Coliseum.
Kumalat ang video ng pagnanakaw ng cellphone ni Lance Carr, isa sa performers habang nakikipag-picture sa fans.
Nakuhanan ng picture ang isang babae na malapit sa Viva artist na hinahinalang nagnenok ng fone ni Lance.
Sa isang video, maririnig naman ang offer na P20K ng kapwa Viva artist na si Marco Gallo para maibalik ang fone ni Lance.
As of this writing, wala pang update tungkol sa pagkawala ng phone ni Lance.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com