Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
JS Jimenez Jace Fierre Jun Miguel

Film produ JS Jimenez idolo si Mother Lily  

MATABIL
ni John Fontanilla

ANG makatulong sa pelikula ang isa sa advocacy ni JS Jimenez ng DreamGo Productions kaya naman ipinrodyus nito ang pelikulang Ang Aking Mga Anak na pinagbibidahan ng kanyang apo na si Jace Fierre.

Ayon nga kay Mr JS, “I like to help the film industry  to spread awareness tungkol sa iba’t ibang kuwento at nangyayari sa mga kabataan at pamilya na ipakikita sa pelikula namin.

“Kumita man o hindi ‘yung pelikula namin, masaya na ako na nakagawa ako ng advocacy film, pero mas okey na kumita kahit paano para tulong na rin sa susunod na pelikulang gagawin namin.”

Idolo nito ang yumaong Regal Matriach na si Mother Lily Monteverde na buong buhay nito ay ibinigay sa paggawa ng pelikula.

“Katulad ni Mother Lily na grabe ang pagmamahal sa pelikula, kahit humina ang movie industry tuloy-tuloy pa rin ang paggawa niya ng movie.

“Kung susuwertehin gusto ko rin maging katulad niya na patuloy na gagawa ng pelikula, mga pelikulang may matututunan ‘yung mga manonood.

“Kaya naman pagkatapos ng pagpapalabas ng Ang Aking Mga Anak ay may next movie na kami na gagawin ngayong September. Nag-usap na kami ni direkJun Miguel at  ipalalabas  sa December kaya magkita-kita tayo ulit.”

Sa September 3 na ang showing sa mga sinehan nationwide ng kauna-unahang movie project ni Sir JS under his DreamGo Productions na Aking Mga Anak sa direksiyon ni Jun Miguel, ang director ng award winning children show, ang Talents Academy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …