Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aster Talayag

P-Pop boy group na Aster, naglabas ng full-length album titled ‘Talayag’

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISANG-DOSENANG bagets ang bumubuo sa bagong P-Pop boy group na Aster. Sila ay kinabibilangan nina Kean, Charlie, Tatin, Gee, Alas, Laurence, Wayne, Loyd, Kiel, Gem, Miguel, at Cray.

Ginanap ang launching ng kanilang full-length album titled ‘Talayag’ sa Viva Cafe last week.

Lahat ng album tracks ay composed and arranged ng mga member ng Aster.  Ang titulo ng album na ‘Talayag’ ay mula sa pinaghalong Filipino words na ‘Tala’ (star) at ‘Layag’ (sail). Ito ay hinggil sa paglalakbay ng grupo sa kanilang mga pangarap sa buhay.

Ang Aster is a rising 12-member P-pop group na nasa pangangalaga ng AsterisK Entertainment. May ibubuga sa kantahan at sayawan ang mga bagets na ito. Actually, magaganda ang timbre ng kanilang boses, pati na kapag sama-sama sila, astig ang blending ng grupo.

Ang pangalang Aster ay galing sa kanilang kompanya, ang Asterisk na ang kahulugan ay ‘a small star’.

Ang debut single nilang ‘Bingo’ ay inilabas noong July 7, 2024 at na-release naman ang official music video nito last July 21, 2024. Bago ang album nila, ang pinakahuling nila ay ang ‘A Sstar’ which was released last December 7, 2024.

Sinungkit ng grupo ang New Artist of the Year sa 9TH PPOP Music Awards and Promising Male PPOP Group from both Asia’s Pinnacle Award at sa Saludo Excellence Awards 2024.

Nagpahayag nang sobrang kasiyahan ang 12 member na boy group sa kanilang album launching.

Pahayag ni Wayne, bilang sentimyento ng kanilang grupo, “It’s a cliche kung sasabihin na happy kami, but it’s true, sobrang saya po namin, it is a dream come true for us all.”

Sinabi ng grupo na wala silang intensiyong makipagkompitensiya sa kanino mang P-Pop group at inspirasyon nila ang mga tulad ng grupong SB19.

Saad ni Kean, “Marami na rin po kaming na-experience na kanya-kanyang heartbreaks and I think madadala po namin iyon sa journey namin. 

“We understand that it will take time for us to carve out our own place in the music industry, but we will do our best and be ourselves to get there. There is room for everyone.”

Sa palagay nila, ano ang mayroon sa Aster sa P-Pop industry na tatatak sa music fans?  

Sagot ni Kean, “Ang Aster po kasi is a self-produced group and management. Lahat po nang gusto naming ilabas, galing po talaga sa amin. From music, from composing, from song writing to dance, pati yung contents and all, gusto po namin na lahat ay galing sa amin.

“Kaya siguro kung may maipagmamalaki po ako sa buong mundo, siguro iyong strength ng Aster, na ang Aster ay makers ng arts na inilalabas po namin.”

Dagdag pa niya, “Sana malaman ng tao na we have only one goal and that is to promote people, to promote our excellence, music, art, and culture po.”

Sino ang P-Pop group na wish nilang maka-collab kung magkaka-concert sila?

Esplika ni Aster Miguel, “Ako po, lahat ng puwedeng P-Pop, kahit na sino’ng P-Pop po, basta…Kasi, ngayon po ang goal namin ay umangat iyong P-Pop and sama-sama po kaming umangat. Kasi, P-Pop rise po tayo.

“Lahat-lahat talaga, isipin nyo guys, isang stage, tapos maraming P-Pop, nakakatuwa iyon,” nakangiting sambit pa niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …