MATABIL
ni John Fontanilla
NANG mabakitaan ng Rap Icon and actor na si Andrew E na may classic Popy Voltes V toy si Lea Salonga nagkaroon ito ng interes na bilhin.
Bukod sa pagiging Rap Artist ni Andrew E ay isa itong Big Collector, kaya naman nang makita nito sa dressing room si Lea ng isang event ay tinanong kung mayroong Classic Popy Voltes V at mabilis namang sinagot ni Lea ng, “Yes.”
Kaya naman nang mag-guest sa show ni Julius Babao ay pabiro sinabi ni Amdrew ng, “Lea How Much?” (Classic Popy Voltes V),” sabay tawanan.
Noong 80’s ay tanging mayayaman lang ang nakabibili ng ganoong klaseng laruang robot dahil sobrang napakamahal.
At noong bata pa sila Lea at nakababata nitong kapatid na si Gerald ay dalawa sila sa mayroong Classic Popy Voltes V toy.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com