ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
NAGING matagumpay ang ginanap na red carpet premiere night ng advocacy film na ‘Aking Mga Anak’ noong August 4, 2025 sa SM Megamall.
Isa sa casts nito ay si Klinton Start na kilala sa bansag ng Supremo ng Dance Floor dahil sa husay niya sa pagsasayaw.
Ito ang first movie ni Klinton at inusisa namin siya kung ano ang na-feel niya after mapanood ang kanilang pelikula?
Esplika niya, “Sobrang naging happy po talaga ako, kasi its my first ever movie. So, seeing myself po sa big screen was very overwhelming na after so many years na-achieve ko po yung isa sa mga dreams ko sa pag-aartista. And of course, thankful po ako sa mga nagtiwala sa akin, to the management, production, and producers.”
Sa palagay niya, anong aral ang hatid ng movie?
“Actually po, noong premiere night, it’s my first time to watch the movie, like wala po talaga akong kahit anong idea of what’s the story.
“Noong napanood ko na po, ang natutunan ko is don’t ever-ever lose hope and faith kay God, to the point po na kahit sobrang down na tayo sa life, sobrang daming problem, He’s there to help us. Just dont forget Him, importante po kaki na magdasal po tayo araw-araw.”
Paano niya ide-describe ang kanilang movie, heavy drama ba?
“Not really sobrang heavy po, kasi mostly ng cast is mga bata pa po talaga… May ibang scenes po na drama, but not sobra-sobra,” matipid na tugon pa ni Klinton.
Hatid ng DreamGo Productions at Viva Films, ito’y mula sa pamamahala ni Direk Jun Miguel. Tampok din dito sina Hiro Magalona, Ms. Cecille Bravo, Ralph Dela Paz, Patani Dano, Art Halili Jr., Natasha Ledesma, at Sarah Javier. Ang mga bidang bata naman dito ay sinaJace Fierre Salada as Gabriel, Juharra Zhianne Asayo as Julia, Alejandra Cortez bilang si Pauline, Madisen Go as Heaven, at si Candice Ayesha sa papel na Sarah.
Pagdating naman sa direktor at cast ng kanilang pelikula, todo-puri si Klinton sa kanila.
“To our direktor, Direk Jun Miguel, maraming-maraming salamat po and sobrang saludo po ako sa kanya dahil sobrang galing po ni Direk, I’m looking forward to more projects with him po.
“To my co-stars, thank you as well, kasi sobrang babait po talaga ng lahat and naging close po kami agad kahit sandali lang yung naging shooting days namin together. And to the kids, keep up the good work dahil magagaling po sila.”
Dito ba, nagpakita siya nang husay sa pagsasayaw? “No po, pure acting lang po talaga siya.”
Nabanggit din ni Klinton ang pagsabak niya sa teatro.
If may choice siya, mas gusto ba niyang musical ang kanyang next acting project na may kantahan at sayawan? Para mai-showcase niya ang kanyang astig na dance moves?
“Yes po! Actually may upcoming theater shows po ako and musical siya… so, maso-showcase ko po yung dancing ko here.
“Coming soon po ito, so, pinasok ko na rin po yung mundo ng theater para mas lumawak pa po yung knowledge ko when it comes to acting,” masayang kuwento sa amin ni Klinton.
Dagdag pa niya, “Iyong sa theater shows ko po, ang title is ‘Monumento’ and yung venue po nito is sa different schools here sa Philippines po.
“Actually, it’s my first time po to do theater, though hindi naman po masyadong naging malaki yung adjustment ko kasi may background naman na po me sa acting and my role here po is si Alfred,” sambit pa ni Klinton.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com