I-FLEX
ni Jun Nardo
NANLILIGAW na ang Sparkle star na si Anthony Constantino sa kapwa Sparkle artist na si Shuvee Etrata.
Inamin ni Anthony sa Unang Hirit kahapon ang panliligaw nang tanungin siya ng host na si Susan Enriquez.
“I’ve been courting Shuvee, officially courting Shuvee,” bahagi ng sagot ni Anthony na inilabas din sa social media ng GMA.
Isa sa si Anthony sa sumalubong kay Shuvee nang lumabas ito sa Bahay ni Kuya sa PBB Collab. Pakyut ngang sinabi ni Shuvee na si Anthony ang kanyang TDH o tall, dark and handsome.
Happy na kayo kay Shuvee?
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com