Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Juharra Zhianne Cecille Bravo

Juharra Zhianne muling nagpakita ng husay, Cecille Bravo kinaiinisan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

TATLUMPUNG kabataan ang nabigyan ng pagkakataon para maipakita ang kanilang talento sa pag-arte. Ito ay sa pamamagitan ng advocacy film na Ang Aking Mga Anak handog ng DreamGo Productions at ipinamahagi ng Viva Films.

Ang Ang Aking Mga Anak ay idinirehe ni Jun Miguel na ang istorya ay umiikot sa mga batang may kanya-kanya problema. May batang may kaya o mayaman subalit kapos naman sa pagmamahal ng mga magulang dahil kapwa nasa abroad. Nariyan din ang magkakapatid na nabubuhay kasa-kasama ang mga tiyahin na kapos sa yaman at madalas sugurin ng may-ari ng bahay dahil sa laging delayed ang pagbabayad, at may batang maagang iniwan ng ina na madalas nakararanas ng kalupitan ng ama.

Inilalarawan din sa pelikulang ito ang emosyonal na pang-aabuso sa mga bata sa isang simple at mahabang usapan.

“When I first started, ganito talagang content ang gusto ko — para sa mga kabataan,” ani direk Jun

Ang limang magkakaibigan na bida sa pelikula ay sina Jace Fierre bilang si Gabriel, Juharra Zhianne Asayo bilang si Julia, Alejandra Cortez bilang si Pauline, Madisen Go bilang si Heaven, at Candice Ayesha bilang si Sarah.

Muli kapansin-pansin ang galing ni Juharra na una naming napanood sa pelikulang How To Get Away From My Toxic Family na ginagampanan niya ang pamangkin ni Zanjoe Marudo.

Muli, namumukod-tangi ang kanyang mahusay na pagganap sa Ang Aking Mga Anak na gumaganap bilang isa sa limang magkakaibigang may kanya-kanyang kinakaharap na problema sa pamilya. 

Sa murang edad, naiintindihan na ni Juharra kung paano lutasin ang mga hamon sa buhay at ang kahalagahan ng pera sa pagsuporta sa kanyang pamilya at mga kaibigan. 

Kung tuloy-tuloy na mabibigyan ng magagandang role si Juharra  tiyak na maganda ang karerang kakaharapin niya.

Kapansin-pansin din ang husay ng negosyante/philantropist na si Ms Cecille Bravo. Nalaman naming ito ang unang pagkakataon na sumabak siya sa pag-arte pero hindi namin iyon naramdaman. Effective kasi siyang masungit na may-ari ng bahay na tinitirhan ng tatlong bata kasama ang dalawang tiyahing hindi nakababayad.

Taliwas sa kanyang tunay na katauhan, gumaganap si Ms Cecile bilang isang maingay, laging galit na may-ari, ngunit may malambot na puso pala sa mga bata.

Nakausap namin si Ms Cecille bago at pagkatapos ng premiere night at natanong dito kung bakit tinanggap ang role na tiyak kamumuhian siya ng mga makakapanood.

“This is a challenge for me. As a first-time actress at my age, I truly want to embody a character who is totally different from me. These kids are professional talents, and we must see the film,” panimula ni Ms Cecille.

Sinabi pa ni Ms Cecille na maraming matutunahan sa pelikulang ito. “Minsan hindi natin nabibigyan nang tamang pagtingin ang mga anak. Akala natin na mga batang-isip lang ‘yan because they’re young but they’re strong. Importante ‘yung foundation para lumaki sila nang maayos.”

Kung minsan, may mga problema tayo, at talagang masasandalan pala talaga natin ang mga anak natin. Sila ‘yung magbibigay sa atin ng inspirasyon to be strong. Sila ‘yung magbibigay sa atin ng inspirasyon na, ‘Kaya mo ‘yan, Ma.’ At kung may mga umaapi sa kanila, hindi ba kayo maaapektuhan? Ang masasabi ko, talagang manggagaling sa atin kung anong klaseng mga anak natin sila palalakihin.”

At dahil karamihan nga ay mga bagets ang kasama nila sa pelikula, sinabi pa ng philantropist na marami ring matututunan sa mga kabataan. “Sa mga bata naman tayo makakakuha ng aral. Hindi lang naman matatanda ang magtuturo sa atin. Dito makikita na may iba-iba silang pinagdaraanan na baka nao-overlook nating mga matatanda. You make your family strong.”

Sa pelikula, mayroong dalawang adoptive na anak, ang isa ay ginagampanan ni Klinton Start na mayroon ding galing sa pag-arte. Bagamat maikli ang role ni Klinton, mararamdaman naman ang kanyang karakter.  

Ang Ang Aking Mga Anak ay ipalalabas sa mga sinehan sa Setyembre 3. Kasama rin sa pelikula sinaAlejandra Cortez, Madisen Go, Candice Ayesha, Hiro Magalona, Natasha Ledesma, Prince Villanueva, Patani Dano, Ralph Dela Paz, Andrea Go, at Sarah Javier.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …