MATABIL
ni John Fontanilla
NAGPAPASALAMAT ang former SexBomb Girl Rochelle Pangilinan sa nominasyong nakuha sa 37th PMPC Star Awards for Television para sa kategoryang Single Performance by an Actress para sa mahusay na pagganap sa Magpakailanman: The Abuse Teacher.
Ayon kay Rochelle nang makatsikahan namin sa GMA Gala 2025, “Sobrang nagpapasalamat ako sa PMPC sa nominasyong nakuha ko, happy ako kasi napansin nila ‘yung trabaho ko.”
At kahit ‘di manalo ay okey lang kay Rochelle, ang ma-nominate lang ay malaking bagay na sa kanya.
“Winner or loose okey lang sa akin, dahil ma-nominate lang parang nanalo na ako.”
Makakalaban ni Rochelle sa Best Single Performance by an Actress sina Irma Adlawan (Tadhana: My Golden Love / GMA 7), Amy Austria (Magpakailanman: I Am Not My Mother / GMA 7), Rita Avila(Magpakailanman: Ina Ka Ng Anak Mo / GMA 7) Shamaine Buencamino (Magpakailanman: Ang Batang Hamog: The Boy Zobel Story / GMA 7), Therese Malvar (Magpakailanman: Bayad Utang / GMA 7), at Rhian Ramos (Magpakailanman: Ang Hiling saDiyos (The Vance Uy-Cuaki Story) / GMA 7).
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com