Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sid Lucero Bea Binene PostHouse Mikhail Red

Sid, Bea mananakot sa Posthouse 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

BIAS kami na kapag gawang Red, tiyak maganda. Kaya naman hindi pa namin napapanood ang pelikulang Posthouse na nagtatampok kina Sid Lucero at Bea Binene nakatitiyak kaming maganda.

Ang Posthouse ay isang psychological horror film na kauna-unahang full-length directorial project ni Nikolas Red, sa pakikipagtulungan ng kapatid nitong si Mikhail Red (direktor ng Deleter at Lilim) — bilang creative producer. 

Sa trailer ng pelikula, nakatatakot na kaya panalo ang pagsasanib-puwersa ng Viva Films at Evolve Studios.

Kakaibang katatakutan ang Posthouse na isang isinumpang pelikula; isang pamilyang binabagabag ng nakaraan; at isang halimaw na ayaw manahimik.

Iikot ang kuwento sa isang lumang pelikula na magiging mitsa para mapalaya ang isang mapanganib na pwersang matagal nang nakakabit sa isang madilim na nakaraan. 

Magsisimula ang mga shocking revelations dahil sa mga madidiskubre ni Cyril (Sid), isang film editor na nagtatrabaho sa lumang post-production facility na itinayo ng kanyang amang si Edd. 

Si Cyril ay patuloy pa ring ginugulo ng kanyang childhood trauma—mula sa hindi pa nalulutas na pagpatay sa inang si Judy, hanggang sa may kababalaghang bumabalot dito. 

Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makalaya sa bigat ng sariling pinagdaraanan at magulong buhay-pamilya. 

Sa kabila ng magulo niyang mundo, nagsisilbing sandigan ni Cyril ang trabaho at ang pagpapalaki sa kanyang anak na si Rea (Bea), isang masipag na film student. 

Kahit magkasama sa trabaho, malayo ang loob nila sa isa’t isa dahil sa kanilang komplikadong relasyon. Magbabago ang lahat sa pagdating ng isang package ng film reels na magtutulak sa kanila sa isang proyekto: ang pag-restore ng isang silent film na Ang Manananggal.

Ngunit ang inaakala nilang simpleng pag-aayos ng pelikula ay mauuwi sa pagbabalik ng isang bangungot mula sa nakaraan. 

Habang inire-restore ang lumang reels sa isang Moviola machine, madidiskubre nina Cyril at Rea na may nawawalang mahalagang bahagi ng pelikula. 

Kasabay nito, magsisimula rin ang mga kakaibang pangyayari sa posthouse—may mga nakagagambalang anyo na nagpapakita, biglang nawawala at lumilitaw ang mga reel, at isa-isang namamatay ang mga tao sa paligid nila. 

Mapipilitan si Cyril na harapin ang isang nilalang na matagal na niyang pinipilit kalimutan—isang halimaw na minsan na niyang nakaharap. 

Mahahanap ba nila ang nawawalang reel, at kasama nito, ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ni Judy bago sila tuluyang mabiktima ng sumpa? 

Sa Posthouse, hindi lang nila lalabanan ang isang mapanganib na nilalang, kundi pati na rin ang mga halimaw na matagal nang nananahan sa kanilang kalooban.

Ang Posthouse ay isang bagong hakbang para kay Nikolas, na unang nakilala bilang editor at manunulat. Kabilang sa kanyang mga proyekto ang Deleter (2022), na ginawaran siya ng Best Editing sa Metro Manila Film Festival, at Eerie (2018), isang box-office horror hit. 

Siya rin ang co-writer ng Dead Kids  (2019), ang kauna-unahang Filipino Netflix original film, habang ang kanyang short film na Putol (2021) ay ipinalabas sa International Silent Film Festival Manila

Sa kanyang kauna-unahang full-length feature 

na Posthouse, dala ni Nikolas ang malawak na karanasan sa editing at malalim na pag-unawa sa genre ng horror. 

Makakasama nina Sid at Bea sa pelikula sina Ryza Cenon, Rafa Siguion Reyna, at Andrea del Rosario. Mapapanood ito sa mga sinehan nationwide simula August 20. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …