Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
MaxBoyz

MaxBoyz Magic Mike ng ‘Pinas

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

TAAS-NOONG ipinagmalaki ni Mariposa Cabigquez, CEO ng Wildstar Media and Production may maituturing ng Magic Mike ang Pilipinas, at iyon ang grupong tinawag at ipinakilala niya kamakailan, ang MaxBoyz.

Bago nga ipinakilala isa’t isa, ay bago abg contract signing, nagpakita muna ng galing sa pagkanta ay pagsa sayaw ang 14 na kalalakihan na binubuo nina Aei, Benny, BK, Chadd, CJ, Dhale, Elton, JJ, JP, RD, Red, RJ, Seonwoo, at Wolf.

Ani Mariposa na unang nakilalang sumasayaw sa show ni Willie Revillame, ang Wowowee na nakuha niya ang idea sa pagbuo ng grupo sa sikat na Magic Mike.

Fan talaga ako ng Magic Mike, international,” unang sabi ni Mariposa. “So, sabi ko, bakit ang Pilipinas, parang wala. Kasi sa ibang bansa, kapag pumupunta kami, pinipilahan po ang Magic Mike… Sabi ko, bakit hindi natin gawin na magkaroon ng Magic Mike ang Pilipinas?

“Kasi, more of K-pop na po tayo eh. More of ‘yan na po ang genre ngayon. So, another flavor naman… This time, I think this is the right timing at perfect timing for Magic Mike ng Pilipinas kaya nabuo po kami.

Ang bawat miyembro ay pinili hindi lamang dahil sa kanilang hitsura kundi sa galing din nilang sumayaw at mag-perform.

At siyempre dagdag din ang matitipuno at magandang pangangatawan kaya naman talagang kaakit-akit ang kanilang abs na tiyak makakapagpalaglag ng panga, at makakukuha ng atensyon nga mga manonood sa kanila.

Idagdag pa ang kanilang charisma na tiyak magiging tayak ng isang MAXBOYZ na sinasabing magpapabago sa hitsura ng live entertainment sa bansa.

Sa paglulunsad sa grupo, inaasahang maaabot ng mga ito ang internasyonal na madla sa hinaharap.

Kaya narito na ang MaxBoyz na tinitiyak na  makukuha ang titulong Magic Mike ng ‘Pinas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …