Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ice Seguerra Gary Valenciano Vic Sotto

Ice emosyonal sa paglulunsad ng mga orihinal na kanta; Vic at Gary makakasama sa 2 gabi ng concert

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

EMOSYONAL si Ice Seguerra sa paglulunsad ng kanyang bagong full-length album at two-night concert.

Sa media conference kamakailan sa Noctos Music Bar ipinarinig ni Ice ang dalawang bagong awiting nakapaloob sa puro original track  sa Being Ice album mula sa record label nila ng asawang si Liza Diño na Fire And Ice na ipamamahagi ng Star Records.

Ibinalita rin ni Ice ang dalawang gabi niyang major concer na Being Ice: Live sa September 12 at 13 sa Newport Performing Arts Theater.

Bago ang kanta, nagkukuwento muna si Ice ukol sa mga bagong kanta at dito’y hindi niya napigilang maluha. Tatlo sa mga nasa bagong album niya ang kinanta ni Ice sa mediacon, ito ang Shelter of the Broken, Nandiyan Ka, at Wag Na Lang Pala.

Nakadudurog ng puso nang ipaliwanag ni Ice bago kantahin ang ukol sa awiting Nandiyan Ka na iniaalay niya sa kanyang yumaong ama na si Daddy Dick na pumanaw noong 2020.

He always took a backseat just to make sure Mama could take care of me. Siya ‘yung nagdadala ng gamit ko, nagbebenta ng CDs ko sa mga officemate niya. 

“Ang sakit lang na na-realize ko ito noong may sakit na siya. This song is my way of saying thank you. While I carry regrets. I’m still grateful. Because even if I didn’t always see it, nandiyan siya. And I know he still is,” lumuluhang pagkukuwento ni Ice. 

Ang awiting ito rin ang isa sa paborito namin.

Sinabi pa ni Ice na ito ang unang pagkakataon na ang pangalan niyang Ice ay nasa titulo ng album.

Bukod sa asawang si Liza, nakipag-collaborate rin siya kay Jonathan Manalo para sa Being Ice kasama rin sina Top Suzara, Mike Villegas, Vince de Jesus, at Trisha Denise.

Inamin din ni Ice na ngayon lamang siya naglabas ng mga kantang siya mismo ang nagsulat dahil sa takot na baka hindi magustuhan o tanggapin ng tao.

Aniya, hindi madali ang naging journey niya sa pagsulat ng mga kanta niya.

Lagi akong name-mental block, as in siguro kung sa 100%, parang 80% percent ang mental block, 20% ‘yung hindi. Hinahayaan ko lang kaysa ipilit ko.

“I just make sure na kapag nakawala ako, I’m ready with paper or at least notes ko para maisulat ‘yung naiisip ko. But I think that’s also one of the good things about working with a collaborator. 

“I’m blessed na ‘yung asawa ko is a good writer. Na kapag may idea ako, ibabato ko sa kanya, tapos kapag na-feed niya ‘yun, biglang magkakaroon na naman ako ng bago. It bounces back and forth,” sabi pa ni Ice.

Kasi parang kapag okay, kapag masaya, hindi ko ma-put into words ‘yung nararamdaman ko. Pero kapag malungkot ako, parang ang dami kong nakukuhang words na pwede kong ilagay doon sa kalungkutan ko.”

Natagalan din ang pagri-release ng album niya dahil aniya, “I’d be lying if I say na hindi ako na-depress or even now, I feel that. Because wala naman akong ibang ginagawa kundi ito. 

“Wala naman akong kabuhayan, ‘di ba? This is my bread and butter. Like if I don’t succeed in the album…but I am consciously trying my best to take out that pressure sa sarili ko. 

“That’s the reason why it took me a long time to release my originals, that pressure. ‘Oh my God, dapat mag-hit ’to. Oh my God, dapat ganito.’ Kaya ako natagalan. I want the album to do good, to do amazing. 

“But I am trying to release myself from that pressure. Number one, my mental health won’t be able to handle that. Number two, if I continue to give myself that pressure, babalik na naman ako roon sa dati, na I’m singing other people’s songs, which I still do, and there’s nothing wrong with that.

“But ngayon nandito ako sa point ng buhay ko na gusto kong mas makilala niyo kung sino ako sa pamamagitan ng mga kantang naisusulat ko.”

Ukol naman sa dalawang gabi ng Being Ice: Live, mapapanood sa September 12 ang Ice Seguerra: Videoke Hits na tribute ni Ice sa yumao niyang inang si Mommy Caring

Napag-alamam naming paborito ni Mami Caring ang mag-video at gustong-gusto niya na nakikitang kumakanta na mala-video ang anak.

Naibahagi pa sa amin ni Liza na ang Videoke Hits concert ni Ice ang pinaka-favorite sa mga concert na ginawa ni Ice.

Ang September 13 ang The Ice Seguerra Experience, na may 12-piece band and performances na maririnig ang mga awiting folk-pop and jazz hanggang sa alt-rock at acoustic storytelling.

Makakasama ni Ice sa concert ang dalawa sa mga tatay-tatayan at mentor niya sa showbiz na sina Gary Valenciano at Vic Sotto.

Kaya dalawang gabing magka-iba ng tema ang concert kaya parehong dapat na mapanood.

Available na ang Being Ice  simula August 8 sa lahat ng major digital platforms habang pwede nang makabili ng tickets para sa Being Ice: Live sa  TicketWorld.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …