Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
100 Awit Para Kay Stella Bela Padilla JC Santos Kyle Echarri

Bela at JC ibabalik naudlot na pag-iibigan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

FRIENDS pa rin. Ito ang nilinaw ni Bela Padilla ukol sa boyfriend niyang si Norman Bay. Magkaibigan na lang pala sina Bela at Norman dahil napagkasunduan nilang tapusin na ang limang taon nilang relasyon.

Opo, hiwalay na si Bela sa kanyang limang taong Swiss-Italian BF.

Ito ang nalaman namin kay Bela pagkatapos ng presscon ng 100 Awit Para Kay Stella na muli nilang pagsasamahan ni JC Santos kasama si Kyle Echarri na idinirehe pa rin ni Jason Paul Laxamana at mapapanood sa September 10.

Non-existent po,” anang aktres nang kumustahin namin ang ukol sa kanyang lovelife. “Parang napaisip ako ha ha ha. So, ito muna, nag-eenjoy pa ako ulit ngayon, eh.

Yeah, we officially split. Ano naman…amicably,” paglilinaw nito. 

Actually, dinalaw pa nga niya ako last month. He was there when we started filming ‘100 Awit’, dinalaw niya ako sa Pampanga,” sambit pa ni Bela. 

Nilinaw pa ni Bela na griends pa rin sila ng ex-boyfriend kahit nagkanya-kanya na sila ng landas. 

I told him many times that he could still hangout with me and alam ko rin namam when I’m there,” sabi pa ng aktres.

Samantala, ang 100 Awit Para Kay Stella ay sequel ng 100 Tula Para Kay Stella pagkaraan ng walong taon.

Ang kuwento ay magpapatulou ukol sa isang lalaking sumulat ng 100 tula para sa “babaeng may itim na lipstick,” at muli tayong isasakay sa biyahe ng pag-ibig.  

Ang mapanakit na tandem nina Bela at JC ay magbabalik-pelikula at muling gagampanan ang kanilang iconic role bilang Stella at Fidel. 

Fifteen years mula nang huli silang magkita, may kanya-kanyang mundo na sina Stella at Fidel at parehong nakatutok sa pagtupad ng kanilang mga pangarap at pagpapabuti ng kanilang mga sarili. 

Si Stella (Bela) ay kumikita na ng maayos bilang isang event organizer. Nakipaghiwalay na rin siya kay Von, na sinaktan lang siya at inabuso. 

Samantalang si Fidel (JC) ay patuloy na pinoproblema ang pagiging utal at pagkabulol at nawawalan na ng pag-asa na maayos pa iyon.

Sa isang event ng team ni Stella, ang rising star na si Clyde (Kyle), na may gusto rin kay Stella, ay kakanta ng isang awit tungkol sa “babaeng may itim na lipstick.” 

Dahil dito, magtataka si Stella at itatanong kay Clyde kung sino ang sumulat ng kanta. Tama ang hinala ni Stella na isinulat iyon ni Fidel na naroon din sa event. Magkikita silang muli, magkakakuwentuhan at babalitaan ang isa’t isa tungkol sa kanilang mga buhay ngayon.

Malalaman ni Stella na si Fidel pala ay ghostwriter ni Clyde. Si Fidel ang sumusulat ng mga kanta at hinahayaan na si Clyde ang kumanta nito, dahil hindi niya kayang gawin ito dahil sa kanyang pagkautal at takot na mag-perform sa entablado. 

Maririnig ni Stella ang lahat ng kanta ni Fidel at laking gulat niya dahil lahat ng ito ay tungkol sa kanya.

Muling magbabalik ang kanilang nararamdaman at mapagtatanto na hindi pa tapos ang kung anumang mayroon sila. Pero magiging matapang na kaya sila ngayon na ipaglaban ang isa’t isa? 

Samahan muli sina Stella at Fidel na harapin ang kanilang nakaraan, paghilumin ang mga sugat, at matutunan na sila ay karapat-dapat sa tunay na pagmamahal. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …