Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Hiro Magalona

Hiro Magalona inismiran, nasabihan pang salbahe 

MATABIL
ni John Fontanilla

SUPER effective ang portrayal ni Hiro Magalona dahil maraming nainis sa kanyang role bilang si Israel, salbaheng tatay ni Heaven (Madisen Go) na laging nananakit.

Pagkatapos ng Ang Aking Mga Anak Premiere Night sa Cinema 2 ng SM Megamall ay may lumapit na babae ka’y Hiro sabay sabing, Nakaiinis ka! Nananakit ka ng bata, ang bad mo sa movie,” sabay alis habang nakasimangot.

Na ikinagulat ni Hiro at sinabihan ang babae ng, “Role lang po ‘yun, mabait po ako sa tunay na buhay,” sabay ngiti.

Natawa at natuwa raw si Hiro sa naging reaksiyon ng babae sa role nito sa pelikula. 

Nagulat ako kasi ‘di ko ini-expect na ganoon ‘yung magiging reaksiyon sa portrayal ko sa role ko bilang si Israel na nambubugbog ng anak.

Pero at the same time natutuwa ako, kasi ibig sabihin effective ‘yung acting ko kasi may nagalit.

Pero ‘yung role ko sa movie na salbahe hindi naman buong pelikula bumait naman ako sa anak at the end of the movie dahil na-realize ko na walang kinalaman ang anak ko sa pagkamatay ng mahal na mahal kong asawa.”

First time raw na gumanap ni Hiro na masama sa movie at ito rin ang first acting job niya after seven years na ‘di siya tumanggap ng acting projects. Pero ‘di naman siya nahirapan.

First time kong gumanap na masama sa movie, pero hindi naman ako nahirapan, adjustment lang po kasi almost 7 years din akong hindi nakaarte sa harap ng kamera.

Medyo kinabahan lang po kasi feeling ko baka kinalawang na ako, pero masaya kasi nandoon pa rin ‘yung pagmamahal ko sa pag-arte. “

Nagpapasalamat si Hiro sa producer ng DreamGo Productions na si RS Jimenez at sa direktor ng Ang Aking Mga Anak sa pagkuha sa kanya para gampanan ang role ni Israel.

Mapapanood ang Ang Aking Mga Anak sa Sept. 3 sa mga sinehan nationwide at magkakaroon din ito ng advance screening sa SM IloIlo sa August 9 & 10.

Pinagbibidahan ni Jace Fierre as  Gabriel, ang pelikula kasama rin sina Juharra Zhianne Asayo as Julia, Alejandra Cortez as Pauline, Madisen Go as  Heaven and  Candice Ayesha as  Sarah with  Natasha Ledesma, Prince Villanueva, Patani Dano, Klinton Start, Ralph Dela Paz, Sarah Javier, Art Halili Jr., Andrea Go and Ms. Cecille Bravo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …