MATABIL
ni John Fontanilla
GINAMIT ni Nadine Lustre ang social media para manawagan sa publiko na tulungan ang mga pamilyang apektado ng bagyong Emong sa La Union.
Ang La Union ang isa sa mga probinsiya sa Northern Luzon na grabe ang pinsala dulot ng bagyong Emong.
Sa kanyang Instagram Story sinabi nito ang ilang komunidad na nananatiling walang koryente at cellphone signal at maraming pamilya ang nawalan ng bahay dahil sa grabeng pagbaha.
Sinabi rin ng aktres ang ilan sa mga kailangan ng mga pamilyang nasalanta ng bagyo tulad ng damit, bagong underwear, cleaning materials, rice, canned goods, cooking oil, drinking water, coffee, tarpaulin, pako, at tali.
“Sobrang daming nangangailangan ngayon. Kailangan talaga nila ng tulong,” ani Nadine.
At sa panawagan na ito ni Nadine ay umani ng positibong reaksiyon sa netizens na nangakong tutulong.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com