Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alagang Suki Fest Gary V Bini Belle Mariano Darren

Gary walang kupas sa paghataw; Alagang Suki Fest 2025 makasaysayan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

WALA pa ring kupas ang isang Gary Valenciano kapag nagpe-perform. Muli, pinatunayan niyang kaya pa rin niyang dalhin ang isang show na nangyari sa ginanap na Alagang Suki Fest 2025 concert noong July 31 sa Smart Araneta Coliseum handog ng Unilab at Mercury Drug sa kanilang ika-80 anibersaryo.

Talaga namang dumagundong ang Big Dome sa hiyawan, palakpakan, at nakisayaw ang audience nang mag-perform ang award winning OPM icon.  

Umpisa pa lang ng performance, hataw na si Gary kasama ang kanyang mga back up dancer. Ito iyong kinanta niya ang classic hit niyang Shout for Joy na ginalugad niya ang audience para makisayaw sa kanya. 

Maganda rin at very touching ang number nila ng musical director niyang si Mon Faustino at dalawang back-up vocals na kinanta nila ang Sana Maulit Muli. Bongga rin ang duet nila ni RJ dela Fuente ng Christian song na Blessings

Sinabi ni Gary na 42 taon na nyang ginagawa ang pagkanta at pagpe-perform kaya siguro siya ang kinuha sa naturang fest. “Siguro naman, obvious naman sa inyong lahat na kaya siguro ako nandirito ngayon — 80 years — medyo ako ‘yung pinakamalapit sa mga artista, ako ‘yung pinakamalapit ang edad doon sa 80.

“And I have been doing this, this is my 42nd year, and I’m so happy to be able to see all of you in something like this, in somewhere like this. Na parang hanggang ngayon, bakit?!” sabi pa ni Gary na sa edad 60 ay super hataw pa rin lalo na nang kantahin din ang Hataw Na at Di Bale Na Lang

Naging bahagi rin ng selebrasyon sina Maki, Darren, Mayonnaise, at siyempre ang endorser ng Unilab’s Enervon Z+, ang Nation’s Girl Group na BINI.

Nakisaya rin sa event ang mga brand ambassador ng Unilab na lumabas para sa kanilang segment. Si Belle Mariano sa Biogesic segment, Robi Domingo para sa Kremil-S, Jolina Magdangal saNeurogen-E segmentat sina GB Labrador at James Caraan ngComedy Manila na hosts ng Alagang Suki Fest

Kinanta ng BINI  ang PantropikoShagidiKarera, at Salamin, Salamin.  

Ang gabi ng Alagang Suki Fest 2025 ay hindi lang basta konsiyerto kundi isang pagdiriwang ng komunidad, pagmamahal, at ang matibay na samahan ng Unilab, Mercury, at ng mga Filipino. Dinala ng programa ang mga manonood sa maraming alaala na binalikan ang 80 taong pamana ng dalawang brand pagdating sa kalusugan. Mula sa mga produkto at mga kuwentong tumatak na sa pamilyang Filipino, naalala ng lahat kung paano sila naging malaking bahagi ng buhay natin sa loob ng ilang dekada.

Ang Alagang Suki Fest 2025 ay handog ng Alagang Unilab Rewards Mercury Drug Suki Cardprogram na paraan ng pagpapasalamat sa kanilang mga tagasuporta. Ang pagdiriwang na ito ay patunay din ng lakas ng musika, galaw, at alaala habag sabay-sabay na kumakanta, sumisigaw, at nagdiriwang ang mga suki ng 80 taon sa Alaga.

Ang Alagang Suki Fest ay naging isang makasaysayang sandali na nagtipon ang mga henerasyon ng Filipino sa isang pagdiriwang ng pagmamalasakit, komunidad, at OPM. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …