Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
JC Santos Rhian Ramos Meg and Ryan 2

Rhian tumakbo ng nakahubad sa ulanan, JC wagi ang acting sa Meg & Ryan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NAKAKALOKA ang ginawang pagtakbo ng nakahubad sa ulanan ni Rhian Ramos sa pelikulang Meg & Ryan na idinirehe ni Catherine O. Camarillo at isinulat ni Gina Marissa Tagasa.

Ang tagpong ito ang isa sa paborito naming eksena nang mapanood sa Red Carpet at Premiere Night na isinagawa noong Martes, July 29 sa SM Megamall Cinema 3. Bukod pa sa bagong ipinakitang arte ni JC Santos na akala nami’y wala nang maipakikita bago, pero talaga namang sa bawat pelikulang gawin ng aktor, hahangaan pa rin siya sa husay umarte.

Sina JC at Rhian sina Meg at Ryan. Yayamaning bad girl si Meg (Rhian) at middle-class good boy naman si Ryan (JC). Ulila sa ina si Meg, na alcoholic at may daddy issue. Ang daddy niya ay si Theo na babaero at ginagampanan ni Cris Villanueva.

Ulila sa ama si Ryan at ina si Emma (Ces Quesada) na masugid na tagasubaybay ng mga Koreanobela.

Parehong mahusay sina JC at Rhian gayundin si Ces na may sariling moment at tiyak na  aantig ang inyong mga puso.

Effective at maganda rin ang pagkakaganap ni Rhian bilang isang lasenggera lalo na iyong tagpo nila ni JC na nasa wine store na pag-aari nila at kinukulit-kulit niya ang binata.

Kitang-kita rin ang chemistry ng dalawa. Sa bawat tagpo na magkasama sila talaga namang naroon ang kilig. Ito siguro iyong sinabi ni Rhian sa isang interbyu namin sa kanya na kinausap sila ni direk Cathy na before every scene ipapa-feel nito ang kilig.

“Ipapa-feel niya ang kilig, ikaw mismo habang ginagawa iyong eksena, kinikilig na So, nadadala ako sa kanya, I mean lahat ng gusto kong ibigay sa movie na ito, ibibigay ko,” ani Rhian.

“I want to give everything. Kulang na lang maghubad ako,” natatawang wika nito na ginawa naman na pala talaga ang maghubad. Iyon ngang tumakbo siyang hubad habang malakas ang ulan. Nakakaloka iyong eksenang iyon.

Puring-puri rin ni Rhian ang galing ni JC. “He was leading me in the scenes. Kasi sometimes when you do a scene with someone it’s like you’re dancing with them.”

Maganda ang pelikula, maayos ang pagkakalatag kaya sana’y  tangkilikin ito ng mga manonood. Palabas na sa August 6 sa mga sinehan nationwide handog ng Pocket Media Productions at kasama rin sa pelikula ang influencer na si Poca gayundin si Jet Gatmaitan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …