Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jojo  Mendrez Artist Circle Rams David

Jojo Mendrez tuloy-tuloy pagtulong sa kapwa, elevator/escalator gimmik lumawak pa

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

GUSTO na lang magpaka-positibo ng tinaguriang Revival King na si Jojo Mendrez kaya naman sa bawat aspeto ng kanyang buhay wala ng negative na makikita pa.

Sa pagpirma ng kontrata sa Artist Circle Talent Management ni Rams David, isa sa ipinakiusap ng bagong manager na iwan na ang mga kontrobersiyang iniugnay sa kanya. Kaya naman puro positibong balita rin ang ibinahagi ni Jojo. 

Kasama sa magandang balita ay ang paglulunsad ng teaser ng upcoming release ng bago niyang kanta, ang revival ng OPM classic na I Love You Boy, na hit song ni Timmy Cruz noong 1987. Talent din ng Artist Circle si Timmy.

At ang I Love You Boy ay planong gawing I Love You Babe ng Star Music kapag ire-release na ni Jojo ito anytime soon.

Kasama rin sa kantang ito ang mga awiting Tuyo Na’ng Damdamin ng Apo Hiking Society (1982), Magkabilang Mundo ni Jireh Lim (2011), Handog (1972) at Sana ni Florante (1983), at ang biggest hit song, ang sarili niyang version ng Somewhere In My Past ng yumaong actress-singer na si Julie Vega noong 1985. 

Maganda rin ang naging pagtanggap sa unang original song ni Jojo, ang Nandito Lang Ako  composed, arranged and produced by award-winning songwriter-producer na si Jonathan Manalo ng Star Music.

Ire-revive rin ni Jojo ang sarili niyang version ng Tamis ng Unang Halik ni Tina Paner at ang Michael Pangilinan hit track na Pare Mahal Mo Raw Ako na may temang LGBTQIA+.

Ibinalita naman ni Jonathan na tinatapos na niya ang Christmas song na ipakakanta niya kay Jojo. Pinaghahandaan na rin ng Star Music at Artist Circle ang EP (extenday play) ni Jojo na ilalabas bago matapos ang 2025.

At dahil likas ang pagiging matulungin ni Jojo, tuloy pa rin ang pagiging philanthropist na naglilibot siya sa iba’t ibang panig ng bansa para magbigay ng tulong sa mga kababayan nating nangangailangan.

Super klik iyong elevator/escalator na roon din nabuo ang advocacy brand na Super Jojo: Libre Ko Na ‘To. Actually, lumawak pa ito na tiyak na mas marami ang matutulungan.

Ang Libre ko na ‘To ay hindi lamang isang catchphrase – isang itong pilosopiya sa buhay na ipinanganak mula sa sariling mga pakikibaka ni Jojo. 

Palibhasa’y lumaki rin sa wala, alam niya kung ano ang ibig sabihin ng pagbibigay nang hindi umaasa ng anumang kapalit. 

Sa pamamagitan ng kanyang adbokasiyang, plano ni Jojo na suportahan ang mga mahihirap na komunidad, tulungan ang mga kapwa artista, at palawakin ang kabaitan mula sa malaki at maliit na paraan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …