Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alden Richards Pilot

Alden Richards ibinida unang araw sa pagpi-piloto

MATABIL
ni John Fontanilla

MASAYANG-MASAYA si Alden Richards sa mga larawang kuha sa kanyang unang araw sa pag-aaral bilang piloto.

Ito na nga ang umpisa ng katuparan ng pangarap ni Alden para maging isang piloto.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi nito ang mga litrato habang naka-uniform katabi ng isang aircraft, kasama ang kanyang pamilya, at may caption na,  “Day 1 starts today…” 

Umani ng iba’t ibang positibong komento mula sa netizens ang post na iyon ng aktor at ilan dito ang:

” Goodluck Alden, for sure, kaya gusto niya maging piloto dahil bibili na yan ng ‘private plane!”

“After mag-collect ng bike at mamahaling kotse, eroplano naman ang bibilhin ni Alden. Sigurado yan at deserve niya yon!”

“Inaabangan na ngayon ng mga netizen na after nga raw ng pag-aaral sa pagpapalipad ng plane ay kung bibili talaga si Alden ng sarili niyang plane.

“Sobrang nakaka-proud kahit casual fan lang ako. Eto na kung talaga ‘yung matagal na niyang pangarap pero mas inuna nya pa mag-provide sa pamilya n’ya. At last, natutulad na ang pangarap ni Alden.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …