Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sara Duterte Supreme Court

Sa impeachment trial vs VP Sara
DESISYON NG SC PUWEDE BAGUHIN

HATAW News Team

MAITUTUWID pa ng Korte Suprema ang kanilang sarili at maaari pang baliktarin ang ‘unanimous ruling’ sa pagpapawalang bisa at pagbasura sa ika-apat na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Nagkakaisa sa ganitong pananaw sina retired senior associate justice Antonio Carpio at dating former Commission on Elections (Comelec) chairman at isa sa mga nagsulong ng 1987 Constitution, Christian Monsod na kapwa panauhing tagapagsalita sa Kapihan sa Manila Bay media forum, sa Café Adriatico, Malate, Maynila, kahapon.    

Anila, maaari pang mabago ang 13-0-2 ruling na nasilip ng mga abogado at constitutionalists na tila base sa depektibong impormasyon na binanggit ng nakatataas na hukuman.

Dahil dito, hiniling nina Carpio at Monsod sa 15-mahistrado ng Supreme Court na pinamumunuan ni Chief Justice Alexander Gesmundo na muling basahin at repasohin ang kanilang kontrobersiyal na ruling sa tinutuligsang impeachment case laban kay VP Sara.

Sa Kapihan sa Manila Bay news forum, nagkasundo sina Carpio at Monsod na maaaring repasohin ng Kataas-taasang Hukuman ang kontrobersiyal na ruling kapag ipinasa ang motion for reconsideration (MR) sa kanila ng House of Representatives bilang complainants sa fourth impeachment complaint.

Nauna nang inianunsiyo ng liderato ng Kamara na naghain sila ng MR sa SC noong 25 Hulyo.

Ayon sa SC, may nakita silang mga kahinaan base sa Konstitusyon sa fourth impeachment complaint na ipinasa sa Senado noong 5 Pebrero na inihain sa Ika-19 Kongreso.

Dahil dito, idineklara ng SC na ang Senado at Kamara ng Ika-20 Kongreso ay walang hurisdiksiyon para ipagpatuloy ang impeachment trial laban kay VP Sara.

Partikular na binanggit sa SC ruling ang paglabag sa one-year ban sa bagong impeachment case sa ilalim ng Article 11, Section 3 ng Constitution (right to due process of all individuals as enshrined in Article 3) o ang Bill of Rights.

Nagdesisyon ang SC sa mga petisyon ni VP Sara na inihain noong 18 Pebrero at sa isa pang hiwalay na kaparehong petisyon sa pagkukusa ng pro-Duterte groups. Ang dalawang petisyon ay humihiling na ipawalang bisa at ibasura ang fourth impeachment case bilang void ab initio, o walang bisa mula sa simula.

Para aksiyonan ang mga petisyon, inutusan ng SC ang dalawang legislative bodies na magsumite ng impormasyon kaugnay sa status ng unang tatlong impeachment complaints; ang eksaktong petsa nang iendoso; at kung ang secretary general ay may diskresyon kung kailan dapat ipasa sa Speaker of the House of Representatives.

Ang unang tatlong impeachment case laban kay VP Sara ay inihain sa Kamara kasunod ng bawat isa noong Disyembre 2024.

Gayonman, ang tatlong kaso ay ipinasok sa ‘archived’ ng Kamara sa parehong araw noong 5 Pebrero matapos pagbotohan ng 215 House members para palitan ng fourth impeachment case.

Sinabi ng Kamara na ang unang tatlong demanda ay pumasok sa pitong articles of impeachment sa bagong version ng kaso.

Ipinasa ni House secretary-general Reginald Velasco ang bagong bersiyon sa Senado ilang oras bago mag-adjourn ang Ika-19 Kongreso para sa recess ng gabing iyon.

Sinabi ng Supreme court na ang pag-a-archive ay epektibong nagbabalewala sa tatlong impeachment cases. Kaya naman, nag-umpisa na ang bilang para sa one-year ban noon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …