MATABIL
ni John Fontanilla
PANGARAP ng newbie actor na si Alfred Macapagal na makatrabaho ang mga iniidolong artista na sina Piolo Pascual, Enrique Gil, John Lloyd Cruz, Angel Locsin, at Bea Alonzo.
Ayon sa baguhang aktor, “Bata pa lang po ako ay pangarap ko na maging artista at mapanood sa TV o sa pelikula katulad ng mga hinahangaan kong artista.
“Sabi ko nga sa sarili na balang araw ay magiging artista rin ako ay mapapanood sa TV, na nangyari nga.”
Dagdag pa ni Alfred na, “Dream ko po na makasama at makatrabaho ‘yung mga iniidolo kong artista na sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, si Enrique Gil na pare-parehong mahusay na actor.
“Sa babae naman po ang gusto ko makasama sa serye o pelikula ay sina Angel Locsin at Bea Alonzo.
“Alam ko pong medyo mahirap dahil super sikat sila, pero wala naman pong masamang mangarap, malay po natin dumating ‘yung araw na ibigay ni Lord ‘yun at makatrabaho ko sila,” sabi pa ni Alfred na punompuno ng pag-asa.
Ilan sa mga proyektong nagawa na ni Alfred ang Mr. Popular Meets Nobody sa Wattpad , Mirabella, Be Careful With My Heart, at re-enactment sa Rated Korina.
Sa ngayon ay hinintay pa nito na gumiling ang kamera ng pelikulang gagawin nila at sana nga ay mas dumami pa ang mga project na dumating sa kanya.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com