MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI nagustuhan at ‘di napigilang mag-react ni Nadine Lustre sa ipinost ng isang entertainment page sa Facebook.
Pinabulaanan ni Nadine na sa nagbigay siya ng mensahe ukol sa tinatawag na ‘Mirror Method.’
Ayon sa post ng entertainment site na umano’y galing kay Nadine:
“YOU SHOULD TRY THIS TOO 💅💅💅
“I started using the ‘Mirror Method’. ‘Di ka nila binati nung birthday mo? Don’t greet them also. ‘Di ka nila inaya sa gala, ‘wag mo din silang yayain. ‘Di ka nila chin-check? STOP checking on them too. Just give them the same energy they’re giving to you. Trust me, life feels light when you do this.”
📷: Nadine Lustre/IG
Na sinagot naman ni Nadine ng, “Parang di ko naman po sinabi yan. . . “
At nagkomento rin ang aktres sa post ng, “Tong mga chismis blogs na to makapag post lang talaga ng content eh.. baka sa Q4 buntis nanaman ako ha?”
Dagdag pa nito, “di ko nga alam kung ano yung mirror method na yan. alam ko lang mirror mirror by M2M.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com