Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jake Villamor Ogie Alcasid

Ogie nagalingan kay Jake Villamor, ginawan ng kanta

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

GUWAPO, mukhang mabait, at may potensiyal na magkapangalan sa music industry. Ito ang nakita namin sa bagong alaga ng A-Team Talent Management ni Ogie Alcasid kaya’t hindi nakapagtataka na kinuha nila si Jake Villamor para maging alaga.

Pero hindi pala si Ogie ang unang nagdesisyon para maging alaga ng kanilang management ang indie actor/model/singer.

Ang misis niyang si Regine Velasquez, ani Ogie sa isinagawang media launch noong Lunes ang nag-push sa kanya para i-manage ang 28-year-old na newbie singer. 

Ani Ogie,  December, 2024 nang makilala niya ang binata sa bahay nila dahil kasama ito sa team na nag-aayos ng kanilang Christmas decors.

Last Christmas, nag-aayos si Badang [Rueda] ng decors sa bahay, assistant niya si Jake. Si Jake ang nag-a-assist sa kanya ng mga ilaw. Nasa basement ako, roon ako nagre-rehearse for a show. Biglang bumaba si Misis, bitbit na niya si Jake, ipinakilala,” pagbabahagi ni Ogie.

Nalaman ni Ogie na kumakanta ang binata na tubong Iloilo.

Tiningnan ko ‘yung Instagram niya, ang nakita ko nga, ang dami niyang posts about his singing and he’s very good. He’s a very good singer. So roon ko sinabi sa kanya na ‘sige, mag-usap tayo soon,’”pagbabalik-kuwento ni Ogie.

Pero dahil naging busy siya, hindi niya agad nabalikan si Jake at lumipas pa ang ilang buwan bago niya ito kinontak muli.

At si Jake medyo tinatamaan na ng pagkalungkot o iyong nababawasan ang tiwala sa sarili.

I faced a lot of rejections. So, noong ‘di ako binalikan, baka wala na, baka may ‘di nagistuhan,” ani Jake.

During that time, parang nagmo-move on na talaga ako kasi I thought si Sir Ogie, hindi na niya talaga ako kukunin. But thankfully nag-message siya sa akin sa Instagram out of nowhere to standby,” dagdag na kuwento pa ng binata.

Feeling kasi niya noong panahong iyon, hindi siya gusto ni Ogie dahil ilang buwan na nga naman ang nakalipas pero hindi pa siya tinatawagan o kinokontak.

Naroon na ako sa moment na parang I’m already trying to move on, get over it, moving on with my life,” pahayag ni Jake. “Baka may nakita siya (Ogie) na hindi nagustuhan, ayaw na niya akong i-push as one of his talents.”

At laking pasasalamat ni Jake nang finally ay kinontak na siya ni Ogie noong April para maging lead star sa music video ng Hanggang Dito Na Lang Ba Tayo.

Thankfully, nag-message siya sa akin sa Instagram, ‘Jake, please standby, kasi I want to cast you for my next video.’ Roon na po kami nag-constantly nag-usap uli,” wika ni Jake.

Kaya naman si Jake na ang ikaapat na talent ng A-Team kasama ang iba pang singers din na talent nila, sina Lara Maigue, Poppert Bernadas, at Ferdinand Aragon.

Pangarap pala talaga ni Jake na maging singer kaya naman ganoon na lamang ang kanyang pasasalamat nang kunin siya ng A-Team.

Bago napunta sa A-Team dating kumakanta-kanta si Jake sa mga parking lot na ina-upload sa kanyang social media accounts. Kaya naman marami na rin ang nakakakilala kay Jake at nakaaalam na magaling siyang singer. Bukod pa sa napanood na sa mga Boys Love series na Sky Valley (2024) at Our Story: The Series (2023).

Ayon sa manager ni Jake na si Ogie, may apat na kantang ire-release ang A-Team para kay Jake at ang tatlo rito ay isinulat ni Ogie.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …