MATABIL
ni John Fontanilla
BINISITA at nagbigay-tulong si Alden Richards sa mga residente ng Barangay Sto. Niño, Malolos, Bulacan na nasalanta ng bagyo.
“I need to get out of my way and help,” pahayag ni Alden nang kapanayamin.
“Sino-sino bang magtutulungan kundi tayo lang mga Pinoy, ’di ba?”
Isa si Alden sa mga artista na talaga namang bukas ang palad sa pagtulong sa mga kababayan nating nangangailangan ng agarang tulong.
Kaya naman dagsa-dagsang blessings ang dumarating sa aktor dahil sa taglay na kabaitan, mapagbigay, at pagiging matulungin.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com