Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cecille Bravo Aking Mga Anak

Gusto naming maitawid ang mensahe sa manonood – Cecille Bravo sa advocacy film nilang ‘Aking Mga Anak’

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KAHAPON ay lumabas na ang trailer ng advocacy film na ‘Aking Mga Anak’. Base rito, talagang kailangang magdala ang moviegoers ng panyo o tissue kapag pinanood ito, dahil tiyak na paiiyakin sila ng pelikulang ito na pinamahalaan ni Direk Jun Miguel.

Sa September 3 ang nationwide showing nito sa mga sinehan, pero magkakaroon ito ng advance screening sa August 9 & 10, 2025 sa SM Iloilo. Ang Red carpet premiere night naman nito ay sa darating na August 4, 2025 sa SM Megamall.

Nakapanayam namin ang isa sa bituin ng Aking Mga Anak na si Cecille Bravo at nabanggit niyang limang bata ang bida rito at isang pampamilya and educational movie ang hatid sa manonood ng DreamGo Productions, na siyang producer ng pelikula.

Second movie na ito ni Ms. Cecille, una siyang lumabas sa ‘Co-Love’ na isa sa entry sa nagdaang Puregold CinePanalo Film Festival.

Dito ba sa kanyang new movie ay mas mahaba ang role niya at masasabi  niyang mas challenging din?

Tugon niya, “Yes, it is my second movie. In a sense yes, mas challenging siya, hindi lang dahil sa mas mahaba yung screen time pero more on sa depth ng character I’m portraying.”

Ayon pa sa kilalang businesswoman, makaka-relate ang manood sa kanilang pelikula at gusto niyang maitawid ang mensahe nito sa masa.

Pahayag ni Ms. Cecille, “Yes, same sa first movie na may pagka-mother figure ang papel ko, pero on this movie kasi mas mata-touch yung reality ng buhay na talagang nakaka-relate sa marami and gusto naming maitawid iyon sa manonood.”

Ayon pa sa kanya, mas okay na sa advocacy movie siya malinya o ma- involve.

Esplika ng lady boss ng Intele Builders and development Corporation, “Yes, I feel na sa panahon ngayon na sobrang fast pace na ang lahat at nasa digital era na tayo, minsan ay nakakalimutan nating maging grounded. And advocacy films for me shows the reality of life and gives us a moment to reflect.

“It can be a teaching moment for everyone. I hope that films like these can help heal people at makapagpabalik sa pakikipagkapwa-tao natin.”

Kapag may movie offer ulit, game ba siyang tumanggap ng iba pang acting project?

“I don’t want to close any doors and say no. If may opportunity and available ako, why not naman, hindi ba?

“Pero siyempre it will depend sa role and if bagay ba ako roon, na confident akong mapo-portray ko siya.”

If given a chance, may dream role ba siya?

Esplika ni Ms. Cecille, “Probably my dream role is to portray a not so ordinary woman. Specifically a working mother and a dutiful wife. Gusto kong makita ng mga tao ang struggle ng pagiging asawa at ina, na at the same time ay working.

“I want the role to empower women across the country who everyday juggles work and family. A woman who stays true to herself and tells herself na, ‘Kakayanin natin, kinakaya natin at kaya natin!’

“Hindi madaling mag-balance ng family and career, that is a fact. But, I want a role na ipapakita kung gaano ito kaimportante. Hindi kailangan na perfect, pero kailangang subukan.”

Tampok din sa pelikula sina Hiro Magalona, Klinton Start, Ralph Dela Paz, Patani Dano, Natasha Ledesma, at Sarah Javier.

Ang mga bibidang bata naman dito ay sina Jace Fierre Salada as Gabriel, Juharra Zhianne Asayo as Julia, Alejandra Cortez bilang si Pauline, Madisen Go as Heaven, at si Candice Ayesha sa papel na Sarah.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …