Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sara Duterte Bam Aquino

Bam Aquino nanindigan impeachment trial vs VP Sara dapat ituloy
Humingi ng caucus sa mga kapwa Senador

NANINDIGAN si Senador Bam Aquino na dapat ituloy ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Aquino, bilang co-equal branch, dapat inirespeto ng Korte Suprema ang mandato at kapangyarihan ng Senado na magsagawa ng impeachment trial.

“Bilang co-equal branch, malinaw ang mandato ng konstitusyon at kapangyarihan ng Senado, kaya nararapat na irespesto ang proseso ng impeachment,” wika ni Aquino.

“Nananawagan ako sa mga kapwa Senador na agad magsagawa ng caucus para talakayin ang desisyong binabalewala ang aming tungkulin sa Saligang Batas,” dagdag niya.

Bago rito, nagpahayag ng kahandaan si Aquino na gampanan ang papel bilang senator-judge.

“Sa prosesong ito, titiyakin nating mananaig ang ating mga batas at kapakanan ng ating mamamayan,” wika ni Aquino sa isang Facebook post.

Sa hiwalay na post, sinabi ni Aquino na komunsulta na siya sa mga abogado at mga eksperto bilang bahagi ng kanyang preparasyon para sa pagdinig.

“Sumangguni sa ilang kaibigang abogado at eksperto upang magkonsulta at paghandaan ang nalalapit na impeachment trial at ang responsibilidad bilang senator-judge,” pahayag ni Aquino.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …