Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cecille Bravo Humanitarian Award Johnny Litton

Philanthropist-Celebrity Businesswoman Cecille Bravo ginawaran ng Humanitarian Award sa 3rd Johnny Litton

MATABIL
ni John Fontanilla

NAPA-WOW ang lahat sa ganda ng kasuotan at headress ng Philanthropist at successful celebrity businesswoman, Cecille Bravo na rumampa bilang Empress sa katatapos na 3rd Johhny Litton Awards-Johnny Litton Birthday Celebration na ang theme ay base sa pelikulang The Last Emperorna ginanap sa The Grand Hyatt Hotel-Manila kamakailan.

Suot nito ang napakagandang creation ng sikat na designer na si Raymund Saul at ang headress naman nito ay gawa ni Patrick Isorena na siya ring gumagawa ng mga national costume ng mga Pinay Beauty Queen.

Habang rumampa naman bilang young Emperor ang dalawa nitong guwapong anak na sina Miguel at Matthew Bravo na ang kasuotan ay gawa pa rin ni Raymund.

Ilan pa sa rumampa angCelebrity Jeweler-model Mark Lua suot ang creation ni Nin̈o Angeles, beauty queen-designer Joyce Pilarsky-Cubales na suot ang sarili niyang creation, Lyn Bautista and daughter Gale, Aileen Solidum Campos, Maru Go, Grace Gobing, Dr. Rollin Tabuena and wife Dra. Tabuena.

Isa rin si Ms Cecille na tumanggap ng Humanitarian Award sa 3rd Johhny Litton Awards kasabay ang iba pang awardee na sina Concert  King Martin Nievera, Lyn Bautista, Dr. Rollin Tabuena and wife Dra. Tabuena, Connie Garcia.

Ang 3rd Johnny Litton Awards ay pinangunguahan nina Marissa Fenton at Atty. Roselle del Rosario-Rebano (Chairpersons), idinirehe ni Raymond Villanueva, hosted by Actress-host Giselle Sanchez.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …