I-FLEX
ni Jun Nardo
BIGLANG naglabasan sa social media ang PBB: The Big ColLove Fancon. Sa August 10 ito magaganap sa Araneta Coliseum.
But wait! Ang alam naming nauna sa ganitong fancon ay ang gaganaping Vivarkda: The Ultimate Fancon and Grand Concert. Sa Araneta Coliseum din ito gagawin pero sa August 15, a week after ng PBB ColLove.
Una ang Viva na maglabas ng announcement ng kanilang event. Later na naglabas ang PBB something.
Mas marami nga lang stars sa Vivarkada kompara sa PBB ColLove. At mas maaga ang promotions nila sa fancon/concert, huh.
Naku, aabangan namin kung alin ang mas dadagsain ng tao sa dalawang magkasunod na fan meet, huh
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com