MATABIL
ni John Fontanilla
GUWAPO at napaka-versatile ng actor, director, commercial model and acting coach at the same time na si Jeremie Vargas.
Tall, dark and handsome nga ang 21 year old na si Jeremie na ‘di na maituturing na baguhan sa showbiz sa rami ng proyektong ginawa nito.
Ilan sa naging proyekto nitong pelikula ang Samakatuwid ni Jeremiah Palma na ginampanan ang role na Gary, isang kontrabida; Luna na siya ang bida at ginampanan ang role na Jason at nanalong Best Actor sa RV International Film Festival na siya ring direktor ng pelikula; Abaya na siya rina ng bida at gumanap bilang Celso kasama ang Viva artist na si Irene Sollovilla at nakasama sa Indian Film Festival, nanalo ng 2nd Prize Best Film.
Ilan naman sa naging TV projects nito ang Love You Stranger, Urduja, at Magandang Dilag. Habang nakagawa na rin siya ng ilang TV commercials at ads.
Ang mag-asawang Dindong Dantes at Marian Rivera ang iniidolo niya at gustong makatrabaho.
Sa ngayon ay abala ito bilang acting coach ng mga baguhang alaga ng Artist Lounge at sa pagdidirehe ng commercials.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com