MATABIL
ni John Fontanilla
NATUPAD ni Edgar Allan “EA” Guzman ang isa sa matagal na niyang pangarap, ang magkaroon ng brand-new BMW M4 Coupe.
Ang expensive car ay nagkakahalaga ng P15.8-M.
Post nito sa kanyang Instagram (EA Guzman), “Proof that faith, focus, and hard work really pay off. BMW baby!”
Binanggit din nito ang kanyang fiancée na si Shaira Diaz, na ‘di lang very supportive, kundi co-pilot din ng kanyang buhay.
“‘Di lang siya supportive,” ani EA. “Co-pilot ko rin siya sa buhay. BMW today, lifetime ride with her forever.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com