Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Christopher Encarnacion Ako Si Kindness

Newbie actor, Christopher Encarnacion desididong makilala

MATABIL
ni John Fontanilla

PROMISING ang isa sa cast ng advocacy film na Ako Si Kindness na pinagbibidahan ni Marianne Bermundo na si Christopher Encarnacion.

Bago man sa showbiz ay mahusay itong umarte, guwapo, at desidong makilala sa mundo ng showbiz. 

Kuwento nga ni Christopher na nag-audition siya para mapasama sa cast ng Ako Si Kindness.

Bale nalaman ko po na may audition para sa advocacy film na ‘Ako Si Kindness,’ kaya naman nag-try ako kasi matagal ko ng gustong mag-artista.

“Bale first time ko po mag-audition sa isang movie project kaya medyo kabado ako, masuwerte po na natanggap ako at ibinigay sa akin ‘yung role ni Chris na isang bully sa movie.”

Masaya nga ito at nakasama siya sa isang pelikula na may adbokasiya at may iiwang leksiyon sa mga manonood.

Super happy po ako and it’s an honor po na makasama sa isang PWD movie, and it’s about din po ito sa mental health problem na movie and series,  at marami pong matututunan ang mga taong manonood ng movie.”

Idolo naman nito at inspirasyon sa pagpasok sa showbiz sina Donny Pangilinan, Kokoy De Santos, Miguel Tanfelix, at Anton Vinzon, habang sina Sanya Lopez, Gabbi Garcia, at Glaiza De Castro ang mga hinahangaan nitong artistang babae.

Ang mga idol at ginagawa ko pong  inspiration talaga na artist ay sina Donny Pangilinan, Kokoy De Santos, Miguel Tanfelix, at Anton Vinzon, dahil pare-pareho silang mahuhusay na artista.

“Sa babae naman po sina Sanya Lopez, Gabbi Garcia, at Glaiza De Castro, bukod sa mga napakagaling umarte ay super lakas po ng dating.”

Wish nga nito na sana ay magkaroon siya ng pagkakataong makatrabaho ang hinahangaang artista sa mga susunod niyang gagawing proyekto.

Ilan sa nga baguhang nakasama ni Christopher sa Ako Si Kindnes sina 

 Jhonrey, Siegfreid, Carl Ibanez, Frank Arcalas, Charles Vinsanity, at Matthew Joaquin Chen.

Ang Ako Si Kindness ay pinagbibidahan ni Marianne Bermundo with  Rubi Rubi, Patricia Ysmael, Miles Poblete, Cye Soriano, Kween Buraot, Dave Gomez, Jenny Lin Ngai, at Wiliam Thio, sa direksiyon ni Crisaldo Pablo. Hatid ng Love life Project in cooperarion with Best Magazine ni Richard Hin̈ola, RDH Entertainment Network and Yeaha Channel.zon City Memorial Circle.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …