PINASINAYAAN ng Las Piñas City Government ang bagong gawang 2-storey evacuation facility sa Golden Acres Subdivision, Barangay Talon Uno bilang bahagi ng tuloy-tuloy na mga hakbang sa pagpapalakas ng lokal na paghahanda sa pagdating ng kalamidad para sa kaligtasan ng mamamayan.
Pinangunahan nina Mayor April Aguilar at Vice Mayor Imelda Aguilar ang seremonya ng inagurasyon kasabay ng pagbasbas sa naturang pasilidad.
Pinondohan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) ang nasabing proyekto na matatagpuan sa Marcos Alvarez Avenue malapit sa Las Piñas High School Annex.
Mayroong kabuuang sukat na 73.343 metro kuwadrado ang pasilidad na may basic amenities upang magsilbing tuluyan ng mga residente sa panahon ng emergencies. Sa ground floor nito matatagpuan ang male at PWD-friendly comfort rooms na mayroong shower areas, kusina, bakanteng espasyo at isang stage habang sa ikalawang palapag ang female comfort rooms kasama rito ang shower at wash areas.
Sinabi ng mga opisyal ng Las Pin̈as na ang evacuation center ay magsisilbing ligtas at accessible na kanlungan para sa mga pamilya sa panahon ng sakuna o kalamidad.
Ang proyektong ito ay bahagi nang mas malawak na pogramang pang-impraestruktura ng lokal na pamahalaan na layuning patatagin ang mga komunidad at tiyaking nakalatag ang mahahalagang serbisyo lalo sa oras ng matitinding pangangailangan. (EJ DREW)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com