Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ayra Salvador

Ayra Salvador, palaban sa sexy at daring scenes

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

AMINADO ang sexy actress na si Ayra Salvador na mahirap magpa-sexy sa pelikula. Pero pagdating sa hubaran at daring scenes, palaban ang alaga ni Jojo Veloso.

Okay lang din sa kanya kung tatawaging hubadera, dahil part lang naman daw ito ng kanyang trabaho bilang aktres.

Aniya, “Being a sexy actress is more than just showing skin, it’s about owning your power.

“Mahirap siyang gawin talaga, pero if you’re confident, be proud of it. Trabaho lang naman po ang pagpapa-sexy ko sa pelikula.”

“Wala naman po akong limitations sa pagpapa-sexy sa pelikula, kasi alam ko naman sa sarili ko na trabaho lang po iyon so… go with the flow lang po ako,” nakangiting hirit pa niya.

“If may tatawag sa akin na hubadera?” Ulit niya sa aming tanong.

“Okay lang naman ‘yun, ang importante ay I’m comfortable with my own skin. Mas masarap mabuhay nang totoo kaysa magtago sa standards ng iba.”

Inusisa rin namin kung ano ang kanyang dream role sa movie.

Esplika ni Ayra, “Drama, ‘yung tipong dumaraan ka sa trauma pero lumalaban ka pa rin, and also gusto ko rin pong gumawa ng fantasy or action.”

Liberated ba siya sa sex? “I believe in freedom, but also in responsibility. Sex is not just something I take lightly, it should always come with trust, respect, and choice.”

Para sa kanya, gaano kahalaga ang sex sa isang relasyon?

“For me, sex is meaningful kapag may pagmamahal kayo both. Pero hindi lang siya about pleasure, it’s also about trust, openness, and respect. Hindi iyan dapat pilitan.”

Si Ayra ay mapapanood sa pelikulang “Kandungan” nina Rica Gonzales, Nico Locco, at Arah Alonzo.

“Ang role ko po rito ay babae rin ako ni Nico Locco, e. Directed by Joel Ferrer, palabas na noong July 18 po ito sa VMX,” kuwento pa ni Ayra.

Ang isa pang pelikula ni Ayra sa VMX ay ang “Vape Shop”, starring Sean de Guzman, Athena Red, Stephanie Raz, at Anne Marie Gonzalez. Ito ay sa pamamahala ni Direk Philip King.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …