I-FLEX
ni Jun Nardo
ININTRIGA ang young actor na si Andres Muhlach sa kakambal niyang si Atasha dahil napapanood na ang unang sabak nito sa pag-arte sa series nito sa Viva One na Bad Genius.
Although may Mutya Ng Section E nang nagawa si Andres, nakakarating sa kanya ang komento na pinagkukumpara sila ni Atasha.
Nasambit ni Andres na, “Mas magaling si Atasha!” na pinagpipistahan ngayon sa social media.
Kayo naman. Bagito pa lang sa pag-arte si Andres kaya hayaan muna nating mahinog ang kaalaman niya lalo na kapag ipinalabas na ang unang movie nila ni Ashtine Olviga na Minamahal, huh!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com